Nagising ako sa pagkatok ni Manang Leah sa pintuan. "Cheska, kain na. Hinihintay na kayo ng Papa mo sa kusina."
"Opo manang susunod na." Sagot ko. Pero wala pa talaga akong balak bumaba. Usually pag ganito, hihiga muna ako ng ilang minuto sa kama bago tumayo. Nakapikit pa rin ako and I sighed as I threw an arm over the right side of my bed. Bakit parang ang tigas naman ng unan na 'to? And then the events of the previous hours came rushing back to me.
I opened my eyes quickly at nakita ko ang mukha ni Captain na nakaharap sa akin. Nakapikit pa rin siya. Still asleep. Ang cute niya! Para siyang bata.
Napangiti ako bago haplusin ang pisngi niya.
"EHEM," biglang ubo ng taong nakatayo sa dulo ng kama ko. Napaupo ako bigla. Kinakabahan.
"Anong ginawa niyo kagabi?" Tanong ni Raven habang nakataas ang isang kilay. His arms were crossed over his chest.
Namula ang buong katawan ko. Kung posible man yun.
"Wala! It's not what you think! Nakatulog lang talaga si Captain kaya nahiya na akong pabalikin sa kwarto niyo kagabi." Sagot ko.
"Mm-hmm. At sa bahay niyo pa mismo kung saan kasama mo din ang parents mo. Tsk tsk," Sabi niya habang umiiling.
"Wala nga kasing nangyari eh!" Sagot ko.
Natawa siya. "Aaah. Kaya pala mukhang disappointed ka. Wala kasing nangyari. Ba yan. Kung may pagtatakpan pa naman sana ako kay Coach sana man lang yung mas malala."
Pinagsasabi naman nito. "Ewan ko naman sa'yo Raven." Tumayo na ako sa kama.
Tinabihan ko si Raven. "Gisingin mo kaya siya?" Tanong ko sa kaniya.
"Pano mo gustong gisingin ko siya?"
"Bakit? Ano bang iniisip mong panggising?" -___-
"Madami..." Mukhang nag-iisip siya. "Ah, alam ko na."
Lumapit siya sa mukha ni Captain. "'Lika dali! Masaya 'to!" Mukhang natatawa na siya.
Sumunod naman ako sa sinasabi niya. "O ano na?"
"Gayahin mo mukha ko ah." Sabi ni Raven. Bigla niyang nilakihan yung dalawang mata niya at ngumiti ng nakakatakot. Natawa ako.
"HAHAHA. Oh my God! Seryoso ka? Di kaya ma-turn off sa'kin si Captain kapag nakitang ganyan yung itsura ko?" Tanong ko.
"Hindi na din maaalala niyan. Bagong gising eh tapos magugulat pa." Sagot niya.
"Sige game," Inilapit na namin ang mga mukha namin sa mukha ni Captain.
Inalog namin ni Raven si Fort. Gumalaw siya ng konti, nagkamot ng mata bago dumilat.
"AAAAAAAAAAHHHHH!!!" Sigaw ni Captain.
Nahulog kaming dalawa ni Raven sa sahig kakatawa. OMG. HAHAHA. Yung mukha kasi ni Fort eh!!
"Wow guys, real mature," Comment ni Captain pero nakangiti na siya. I can see a slight pink color on his cheeks.
"I'm sorry Captain," sabi ko habang nakangiti. Hinalikan ko siya sandali sa pisngi. Napangiti naman siya lalo.
BINABASA MO ANG
Lagot Ka Kay Coach
FanfictionPaano kung ang nag-iisang anak ni Coach Pido ang center of attention ng Growling Tigers? Paano kung biglang magka-interes kay Cheska Jarencio ang Captain ng team na si Jeric Fortuna? Isa lang naman ang kailangan mong tandaan pag niligawan mo si Ches...