Chapter 7: [Game Time Part 2]

4K 35 1
                                    

“Fort? You mean Fortuna? As in Jeric Fortuna from your team?” Tanong ni Raffy.

                “Ah… Ano..” Ayan nauutal na ko. ‘Di ko na alam sasabihin ko. Deny Cheska. Mag-deny ka lang.

                “Yes. Siya nga,” Nakangiting pagmamalaki ni Raven.

                Bwisit. Ano ba. Huhu.

                “Oh, I see. I’ve heard about him from Kiefer and Nico. So Jeric Fortuna ka na pala ah. Ikaw talaga Cheska, mahilig ka sa mga Point Guard. May singular taste ka pala in men. Juami will be interested to know that.” Naka-ngiting sabi ni Andy.

                ‘Nak ng tokwa. Sabi ko gusto kong makita yung Ateneo friends ko. Hindi ko hiniling na ganito yung mangyari.

                “No, it’s not like that.” Paano ko ba i-eexplain ‘to?

                “It’s okay dear, we’re all friends here. Wala naman masama kung magkasabihan ng secrets ‘di ba? And you and Juami aren’t really a secret to us. Nga pala, may party kami this weekend. You should come. Bring some friends with you. Same place,” Mabait si Andy. Gym buddy ko yan years ago. Lagi ko ding kasama noon sa mga lakad. Medyo iniwasan ko nga lang sila nung nag-break kami ni Juami.

                “Tignan ko pa. Busy na kasi sa school.” Lahat daw kami dito friends. Hindi ko friend yung malaking kumaw sa likod ko. Bahala siya. ‘Di ko na siya isasama sa game next time. Walang hiyang ‘to. Nakangiti pa rin. Lalo lang akong naiinis.

                “Sure. Just call me na lang. You still have my number ‘di ba?”

                Tumango na lang ako. Lumapit naman si Andy at nakipag-beso beso. “See you Cheska,”

                Nang makalayo sila, ibinaling ko ang attention ko kay Raven. Kung nakakamatay lang ang tingin, pangatlong libing na siguro inabot nito sa’kin.

                “Ipaalala mo nga uli sa akin kung bakit kita kaibigan.” Gusto kong manakit ng tao. Gusto kong saktan ‘tong napakabait kong friend.

                “Kasi gwapo, macho, matalino, mabait, maaasahan, cute, at hot ako?” PUNYETA LANG. Ang sarap niyang kalbuhin at isali sa YJ. Para sabihin k okay Kuya Jimson na pahirapan siya dun.

                At dahil hindi ko na talaga matiis, sinuntok ko na yung braso niya.

                “ARAY!” Sigaw niya. Iniwan ko siya dun at dumiretso na ko sa may locker room. Buti na lang lumalabas na yung mga players.

                “Cheska,” Tawag sa akin ni Aljon. “Nasa loob pa si Coach. Kinukuhaan uli ng BP.”

                Naman. Si Papa talaga oh. “Ok lang daw ba siya?” 

                Tumango si Aljon.

                “Uy congrats pala sa game kanina! Ang galing mo.” Sabi ko habang nakangiti sa kaniya. Nakabawi siya nung Third Quarter eh.

                “Thank you. Salamat din sa panonood. Sabi sa’yo eh! Lucky charm ka namin.” Sabay ngiti. Bigla namang napunta sa kamay ko yung tingin niya. Duon sa suot kong wristband.

                “Sa’n mo nakuha yan?” Tanong sa akin ni Aljon.

                “Bigay ko bakit? Inggit ka?” Biglang singit naman ni Fort na tumabi sa akin. Hawak niya yung bag niya. Ang bango bango niya! Grabe.

Lagot Ka Kay CoachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon