Umupo si Raven sa tabi ko. Nasa loob kami ng QPav. Hinihintay namin ang ibang Eagles na dumating. Alam na ni Papa ang napag-usapan nila Jeric at Juami. I pleaded my case pero talagang desidido si Captain na maputol na ang communication naming ni Juami. Pareho naman kaming yun ang gustong mangyari pero hindi sa ganitong paraan. Pilit eh. Mas okay sana kung kusang lalayo si Juami. Still, ayoko na siyang saktan pa lalo.
“Nasan na daw sila Kiefer?” Tanong ni Raven nang mapansin niyang hindi ako mapakali sa upuan ko.
“Malapit na daw sila. Raven masama ang kutob ko dito sa pustahan nila.” Malaki ang chance nila Captain na manalo pero ganun din naman sila Juami. They’re 4-peat champs for a reason.
“Bakit ka kasi pumayag sa ganito? Ako din kinakabahan eh.” Sagot niya.
“Hindi ako pumayag. I would never bet against Juami. Alam mo naman yun eh.” Juami has never lost a bet na siya mismo ang gumawa. Hindi yan nakikipagpustahan kapag alam niyang hindi siya mananalo.
He sighs. “Okay lang yan. Nandito na eh. Hintayin na lang natin yung result. And kung matalo man, what’s the harm in spending one day alone with him?”
Marami. For one, I know I can never trust my feelings when I’m with Juami. And who knows what he’s planning. Sabi pa niya bawal daw ang communication sa amin ni Captain on the day of the date.
Si Papa nakaupo malapit sa court, pinapanood silang mag-practice.
Ang ibang Tigers pumasok na ng court. Tumabi sila sa amin.
“Cancelled ang practice para lang dito?” Tanong ni Kim.
“Ewan ko nga kung bakit pumayag si Papa eh.” Sagot ko.
Si Tata umupo sa tabi ni Kim. “Kayang kaya nila Fort yan.”
“Sino bang maglalaro sa team ni Captain?” Tanong ni Raven.
Nagwa-warm up na sila Captain habang si Juami naman nasa labas pa ng gym, hinihintay ang mga kasama niya. “Si Aljon, Kevin, Teng, at si Karim.” Sagot ko.
Bumukas ang pinto ng gym at pumasok sila Juami.
Lahat ng Eagles kasama nila Nico.
Biglang nag-iba ang atmosphere sa loob ng court.
“Sino maglalaro sa team ni Juami?” Tanong ni Raven.
Napalunok ako. “Si Kiefer, Ryan, Nico, at Greg.”
Pinanood namin sila Juami habang nagpapalit sila into their jerseys. Nang matapos silang magbihis, inabutan ni Papa ng bola si Juami.
Ang coaching staff ni Papa ang nag-volunteer na mag-officiate sa game ngayon. Pumayag naman agad si Juami.
Sila Captain busy na nagpa-practice samantalang sila Juami mukhang nag-uusap pa. Bumukas ang pinto at pumasok ang ilan pang mga kasama nila Juami. Tumayo si Nico para puntahan si Karla.
Medyo malapit lang ang pwesto naming sa kanila kaya rinig ko ang mga pinag-uusapan nila.
“Hi Nics,” Bati ni Karla before kissing his cheek. “Goodluck today,”
BINABASA MO ANG
Lagot Ka Kay Coach
FanfictionPaano kung ang nag-iisang anak ni Coach Pido ang center of attention ng Growling Tigers? Paano kung biglang magka-interes kay Cheska Jarencio ang Captain ng team na si Jeric Fortuna? Isa lang naman ang kailangan mong tandaan pag niligawan mo si Ches...