Raven's POV
Hindi ko alam kung sinong tatawagan ko ngayon. Mas okay na sigurong ako na lang muna ang magbantay kay Cheska kesa madamay pa si Fort o Juami. Palagay ko din hindi ito ang tamang oras para magdala ng ibang tao sa sitwasyong 'to kasi hindi naman alam ni Ate Sky na nag-hihinala ako sa kanila ni Lake. I'll blow my cover if she finds out I asked them to come with me. Lalo pa at hindi naman sinabi ni Cheska na may isasama siya maliban sa akin. She'll know it was probably because I'd ask them to join us.
Hay, tangina talaga. Bakit ba ako nadadamay dito? Si Cheska naman parang nakawala sa hawla. Hala sige. Tungga dito, sayaw doon. Parang tanga. Dahil lang nag-away sila ni Fort, biglang nagkakaganiyan. Nung high school kami hindi naman yan ganyan pag nag-aaway sila ni Juami. Nagmumukmok lang yan sa kwarto dati. Ngayon sumasama na sa inuman. Pasalamat siya alam ni Coach na kasama namin si Ate Sky kaya ayos lang na nandito kami ngayon.
"Hoy ang KJ mo naman! Umiiwas ka ata sa ikot eh." Si Cheska. Lumapit siya sa akin habang hawak ang shot glass na nilalagyan niya ngayon ng Jaeger. "Kanina ka pa nakaupo lang dito. Ayaw mong sumayaw?"
Sumisigaw siya dahil malakas ang tugtog galing sa speakers. Yun at dahil na din may tama na siya. Mag-iisang oras na pala kaming nandito. Konti lang ang iniinom ko dahil balak kong mag-maneho mamaya pauwi. May driver na kasama si Ate Sky pero baka kung saan pa kami dalhin nun kaya mas mabuti ng hindi ako malasing ngayon.
"Ilan 'to?" Tanong ko kay Cheska. I held up three fingers in the air and watched as she counted them.
"Duh! Tatlo. Ang OA mo. Tipsy lang ako. Hindi pa lasing."
Ah so may balak pa pala siyang maglasing talaga? Mabuti ng alam ko.
"Cheska, come on!" Aya ulit ni Ate Sky na kanina pa nakikipagsayawan sa kung kani-kanino sa dancefloor. Sumama sa kaniya si Cheska at pinagpatuloy nilang dalawa ang pag-sayaw.
Buti na lang talaga wala dito si... shit! I spoke too soon.
Natanaw ko si Lake na nakikipag-usap sa di kalayuan. Of course he'd be here. Nandito yung kapatid niya eh. His eyes were surveying the crowd and he raised his hand up to acknowledge my presence when he saw me. Napangiti siya dahil alam niyang kung nandito ako, nandito din si Cheska. He looked for her on the dancefloor. Nang makita niya si Cheska, nilapitan niya ito. He greeted her with a kiss on the cheek and whispered something to her, causing Cheska to laugh. Napahawak pa ito sa magkabilang balikat ni Lake habang nakikipag-usap.
Tumayo ako agad para lapitan si Cheska at pagpahingain muna.
"Inom ka munang tubig. Dun tayo sa couch." Hinawakan ko siya sa braso at dahan-dahang inilayo kay Lake.
"Hey, I'm okay." Sabi ni Cheska pero sumunod pa rin naman siya sa akin. "I was just talking to Lake."
"Mm-hmm," Inabutan ko siya ng baso ng tubig nang makaupo kami. "Magpahinga ka lang sandali. 'Di ba sumasakit paa mo?"
"Medyo," Sagot niya bago sumandal sa balikat ko. Ayan, sige. Party pa. Akala mo talaga sanay sa ganito. Inabot ko ang paa niya at tinanggal muna ang suot niyang heels. Inilagay ko ito sa gilid at hinayaan siyang itaas muna panandalian sa couch ang paa niya.
"Uwi na tayo after 30 minutes ah. Mag-aalala sa'yo si Fort."
Nakapikit siyang tumango habang nakasandal pa rin sa akin. Nanatiling ganoon ang ayos namin ng ilang minuto. Akala ko nakatulog na siya nang bigla siyang nagmulat ng mga mata. She bolted upright. "Oh no, Jeric!" Parang may naalala siya bigla. "Nasaan ang phone ko?"
Kinuha ko ang bag niya sa tabi at kinalkal ang phone niya doon. Tinignan ko ang home screen niya at nakitang may mga text at missed call galing kay Fort. Wala namang lock ang phone niya kaya binuksan ko muna yun bago inabot sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Lagot Ka Kay Coach
FanfictionPaano kung ang nag-iisang anak ni Coach Pido ang center of attention ng Growling Tigers? Paano kung biglang magka-interes kay Cheska Jarencio ang Captain ng team na si Jeric Fortuna? Isa lang naman ang kailangan mong tandaan pag niligawan mo si Ches...