Chapter 41: [Girlfriend niyo po ba siya?]

3.2K 40 20
                                    

                “Sa amin si Cheska!” Patuloy na sigaw ni Alyson habang binabalik ko ang plastic na naglalaman ng damit ko at ilang mga gamit sa loob ng bag ko. My friends want to play volleyball. Naglalakad na kami papunta sa field nang makita namin si Mae.

                Napatingin ako kay Alyson. “Bawal ba akong mamili?”

                “Anong mamimili? Hindi. Wala kang choice. Sa’min ka. ‘Matic nay un noh.” Sagot niya.

                Napangiti na lang ako. Nakasuot ako ng blue shirt. Yung iba naka-jogging pants. Yung iba naman kagaya ko naka-shorts. Complete attire yan. Naka-sneakers din kaming lahat. Mas komportable ako kapag hindi mabigat ang suot ko kaya ito ang napili kong attire.

                “Bakit kasi kailangan pa nating magpalit?” Tanong ni Mae.

                “Ewan ko din sa mga yan. Masyado nilang sineseryoso yung laro.” Si Alyson. Tumingin siya sa akin. “Teka, pwede ka bang maglaro? ‘Di ba na-holdap ka kahapon? Medyo malalim pa naman ata yung sugat mo sa braso.”

                I rolled my shoulders and flexed my fingers. “Kaya ko na. Wala lang yung kahapon.”

                “Wala lang? Tignan mo nga yang kamay mo may pasa pa.” Turo ni Mae sa mga daliri ko.

                “Kaya ko nga kasi. Hindi ko naman susuntukin yung bola eh.” -___-

                Tumawa si Alyson. “Hayaan mo nga siya. Hindi naman tayo ang papagalitan ni Coach eh.”

                I frowned at both of them.

                “Ikaw hindi ka nag-kekwento!” Biglang sigaw ni Alyson saka dinuro ang kabilang braso ko ng daliri niya.

                “Tungkol saan?”

                “Kayo ni Jeric Fortuna.” Sagot ni Alyson. Tapos sumimangot siya. “Kayo na ba?”

                Kinabahan ako. I laughed pero halatang pilit lang. “Bakit mo nasabi?”

                “Cheska, kaibigan mo kami. Inspired kaya lahat ng tweets mo. Tapos lagi mo pang mine-mention si Jeric. Ang tiyaga niya pang mag-reply tapos ang sweet pa ng tweets niyong dalawa. Feeling mo ba hindi naming mapapansin yun?” Si Mae.

                Tinignan ko lang sila. Ano bang dapat kong sabihin? Huminga ako ng malalim. “You want the truth?”

                Tumango silang dalawa.

                “Can you guys keep a secret?”

                Tumango uli silang dalawa.

                “Nililigawan ako ni Jeric.” I said the words quickly para hindi ko na mabawi. Besides, Captain said we should slowly work up to telling everyone else. I should start with the people I trust.

                Tumili si Alyson. Si Mae naman napanganga na lang.

                “Huy!” I waved my hand in front of Mae’s face. “Ganun ba ka-imposibleng magkagusto sa’kin si Jeric kaya hindi ka makapaniwala diyan?”

                Napalunok si Mae. “Gaga hindi sa ganon! Actually ang imposible dun yung napapayag ka niya. Allergic ka kaya sa lalake!”

Lagot Ka Kay CoachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon