Chapter 51: [Plans]

2.8K 34 6
                                    

Papasok na kami sa venue ng game nang may tumawag kay Captain. Mga fans niya. Gusto daw magpa-picture. Sandali akong natigilan dahil naalala ko ang huling beses na may fan na lumapit sa kaniya. Sana this time hindi na maulit yun. Pero may positive side nga din siguro ang pagpapaalam ni Captain sa panliligaw niya sa akin kasi ngayon may boundaries na ang mga fans niya sa kaniya.

                “Kuya Fort, pa-picture po kami. Okay lang po ba?” Tanong ng isang babae.

                I smile. Ganito ba ako noon kay Captain bago ako na-inlove sa kaniya? Kausapin lang niya ako noon, kinikilig na ako. Time flies so fast. Who knew my feelings for him would turn into something more? And the best part? He feels the same way.

                Tumingin kaagad sa akin si Fort, a question in his eyes. I smile in response. Pero bago pa sila makapag-pose, hinila ni Captain ang kamay ko at itinabi ako sa kaniya.

                “Guys, si Cheska nga pala.” Pagpapakilala niya.

                Pare-pareho kaming nagulat ng mga fans niya.

                “Hi,” Bati ko sa kanila sabay kaway.

                Napangiti naman sila. “Hello po Ate Cheska.”

                They took their pictures with Jeric. Isa-isa silang nag-pose kasama si Captain. He never kept his eyes away from me for long, saka lang kapag titingin siya sa camera.

                “Ate, ang ganda niyo po pala talaga lalo na in person.” Sabi ng isang babae.

                Gusto kong matawa. I never was good at receiving compliments. Hindi kasi ako sanay.

                “Thank you.” Maikli kong sagot. “Okay na ba yung pictures niyo?”

                Tumango sila. “Opo. Salamat po.”

                Humirit pa yung isang kasama niya. “Captain, kayong dalawa naman ni Ate Cheska!”

                Nagkatinginan kami ni Captain. Ngumiti siya. “’Lika dito Boss,”

                Lumapit ako sa kaniya. He wrapped an arm around my waist and I did the same to him. We smiled for the camera.

                Sandaling nagbulungan ang mga girls na kumukha ng picture namin habang nakangiti. “Isa pa po. Wacky naman.”

                Nakakatuwa naman sila. Wacky pa talaga ang gusto. Teka. Ano bang magandang pose?

                “Ganito ka,” Sabi ni Captain sa tabi ko. He raised his fists, yung starting stance kapag nagbo-boxing ka.

                Hindi ko alam kung anong binabalak niya but I followed what he said. Nang maitaas ko ang mga kamao ko, nilipat niya ako sa harapan niya. My back was pressed against his chest.

                Shet. Muscles.

                Slowly he held both my wrists with both of his hands saka niya ako pinilit na sumuntok sa harap ng camera.

                Hindi niya tinanggal yung mga kamay niyang nakahawak sa wrists ko. It’s like he’s teaching me how to punch.

                “Game,” Sabi ni Captain. His breath hot on my neck. “Fierce ang mukha Boss ha,”

Lagot Ka Kay CoachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon