Song sa gilid (Sinayaw ni Fort and Cheska) --->
---
Cheska's POV
"Juami," Bulong ko. After one year, nagkita uli kami. Pero bakit ngayon pa? Kung kelan okay na ako at open na akong ma-inlove uli. "Bakit nandito ka pa?"
"Doesn't sound like you miss me," Sumimangot siya. "You know Cheska, when you greet your ex, you're allowed to be warm and at least a little polite."
Pero tahimik pa rin ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kaniya.
"Well," Sabi niya nang maisip niyang hindi talaga ako makakapag-salita ng maayos. "I miss you. Our friends miss you. You should come hang out with us sometime."
Hindi ba niya alam kung gaano ka-awkward yung gusto niyang mangyari?
"Juami, look, I don't think we should be this casual with each other." Paano ko ba i-eexplain sa kaniya? Hindi talaga matatanggal yung awkwardness ng situation hanggang walang closure.
"Cheska we're friends." Sinong inuto niya? "Well, we were before you became my girlfriend. Then you decided to dump me. I'm a big boy and I had to move on eventually."
"I'm sorry for hurting you. I really am." Awkward kasi hindi ko alam kung anong feelings sa akin ni Juami ngayon.
"You're forgiven." Saka siya ngumiti. "But you have to make it up to me."
"Thank you... Ha? Ano yun?" Tama ba rinig ko? Akala ko forgiven na ako tapos biglang ganon.
"Come to Miggy's party tomorrow night with me."
Umiling ako. "I can't. I'm sorry. Juami, I'm seeing someone."
"Wow," Sabi naman niya na nakangiti pa rin. "Who's the lucky guy?"
Sasabihin ko ba? Pa'no na? Friends pa naman ata sila ni Fort.
"Babe, tara na." Biglang sigaw ni Raven na kakalabas lang ng gym.
Patay. Eto nanaman tayo.
Nagkatinginan sila ni Juami. Parang may kung anong masamang hangin ang kumalat sa gitna nilang dalawa.
"Hey, pare, haven't seen you in a while." Si Juami na inalok yung kamay niya kay Raven.
"Oo nga. Tagal na din." Nakipagkamay naman si Raven.
"Are you two dating now?" Tanong ni Juami na pabalik-balik ang tingin sa aming dalawa. Lagi kasi kaming nag-aaway ni Juami nung kami pa. Ang number one na dahilan ay si Raven. Ayaw niyang may ka-close akong lalake. Hindi jealous type si Juami. Iba lang kasi talaga yung closeness namin ni Raven.
Umiling si Raven. "Good seeing you again bro," Sabi niya sabay alis at punta sa sasakyan niya. Mabuti na din atang ginawa niya yun dahil away nanaman ang kalalabasan nito kung sakali.
"Juami we have to leave. Hinahanap na daw ako ni Papa." Paalam ko naman sa kaniya. "It's really great to hear you've forgiven me. Nice seeing you again."
Ngumiti siya saka nag-beso sa cheek ko. Normal naman na yun sa amin noon. Kahit sa mga common friends namin. Pag nagpapaalam, may beso. "You too Cheska,"
Papasok na sana ako sa sasakyan nang tawagin ako ni Juami. "Ano yun?" Tanong ko naman.
"You have to introduce him to me tomorrow night." Sabi niya.
BINABASA MO ANG
Lagot Ka Kay Coach
FanfictionPaano kung ang nag-iisang anak ni Coach Pido ang center of attention ng Growling Tigers? Paano kung biglang magka-interes kay Cheska Jarencio ang Captain ng team na si Jeric Fortuna? Isa lang naman ang kailangan mong tandaan pag niligawan mo si Ches...