Chapter 40: [Driver]

2.9K 33 15
                                    

                “Papa, Mama,” Tawag ko sa kanila. Agad silang naglakad papunta sa kinauupuan ko. Si Jeric tinanggal ang kamay niyang nakaakbay sa akin. Si Juami naman bigla ding lumayo.

                Tumayo ako bago ako yakapin ng mga magulang ko. Si Raven mukhang alalang-alala habang nakatingin sa akin. Nang bitawan ako nila Mama, siya naman ang yumakap.

                “Okay ka lang ‘di ba? Walang nangyari sa’yo? Hindi ka binaril? Wala silang nakuha?” SI Raven na sunud-sunod ang mga tanong. He’s nervous. Ganyan yan kapag kinakabahan. Hindi siya matahimik. “Gago yung mga yun ah. Nasa’n sila?”

                Napangiti na lang ako. My face was still pressed against his chest. “Okay lang ako. Inasikaso na lahat nila Captain.”

                Humiwalay sa pagkakayakap si Raven saka hinawakan ang mukha ko at tinitigan ako ng matagal. “Grabe Cheska. Muntik na akong hindi umabot dito kanina. Nanghina ako nung sinabi sa’kin ni Fort ang nangyari.”

                Ang senti naman nitong si Raven. Nakakaiyak. Masyado niya akong mahal.

                “Tignan mo. Kasalanan ko pa tuloy kung may nangyari sa’yo.” Sabi ko sa kaniya.

                Umiling na lang siya bago ngumiti at hinalikan ako sa noo. “I’m glad you’re safe.”

                I nodded bago tumingin kila Papa. May kinakausap sila. Mukhang galit na galit si Papa. Buti na lang hindi siya sumisigaw ngayon.

                “Cheska,” Tawag sa akin ni Manang. Pinuntahan ko siya bago niyakap. “Salamat naman at okay ka.”

                Nakangiti ako habang niyayakap siya.

                “’Nak,” Tawag sa akin ni Papa maya-maya. “Naayos na lahat. Halika na. Punta tayong UST.”

                “Po?” Tanong ko.

                “Kailangan nating ipakita yang mga sugat mo. Lalo na yang sa kamay mo. Wala munang training ha,” Sabi ni Papa bago ako akbayan at dahan-dahan akong inako palabas ng police station.

                “Teka sila Jeric po…”

                “Susunod yang mga yan anak. Wag mo na silang alalahanin. Sarili mo muna ang isipin mo.” Si Mama.

                Tumango na lang ako. Si Papa ang nag-drive. Si Mama nasa passenger’s seat at kami ni Manang nasa likod.

On the way na kami pabalik ng UST nang mag-vibrate ang phone ko.

---

                From: Captain

                        Angel, look out your window.

---

                I turned to my right.

                Sasakyan agad ni Captain ang nakita ko. Bumusina siya bago ibinaba ang bintana niya saka ngumiti.

                Kumaway ako. He closed his window. Sinasabayan niya yung sasakyan namin.

---

                To: Captain

                            Stalker.

Lagot Ka Kay CoachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon