“Nandito na ba tayo?” Tanong ni Raven.
Tumango ako. “Iliko mo na lang diyan sa may guard house. Sana naman naaalala pa ako nung nagbabantay.”
Huminto kami ni Raven. He lowered his window before speaking, “Kuya sa bahay lang po nila Jeric Fortuna.”
“Sino ho sila? Hindi na po kasi kami nagpapapasok ng ganitong oras sir.” Sagot ng guard.
Aba. Nakakaloka. Galing pa kaming Quezon City tapos hindi pa kami papapasukin? Eh bakit tinanong pa ni Kuya kung sino kami kung wala din naman pala siyang balak magpapasok? -__-
“Importante lang po kasi.” Sagot ni Raven.
I placed my hand in the middle of our seats and leaned towards the opened window. “Good evening po Kuya!” Bati ko habang nakangiti.
Sumaludo si kuya nang makita ako. “Good evening po Ma’am Cheska!”
Wow. Kilala ako ni Kuya?
“Kuya pwede po ba kaming pumasok? Sandali lang kami. May kailangan lang po talaga akong makausap.” Sabi ko.
“Kayo po Ma’am pwedeng-pwede. Napag-utusan po kasi ako ni Sir Jeric na payagan kayong pumasok anytime na gusto niyo. Pero yung sasakyan po ng kaibigan niyo hindi po eh.” Sagot ng guard.
Ha? Bakit naman? “Ikaw kasi Raven eh. Mukha ka kasing akyat bahay sa itsura mo.”
Naka-shorts lang kasi siya na pambahay at sando.
“Ako? Akyat bahay? Kung ganito itsura ng lahat ng akyat bahay baka mag-thank you pa lahat ng ninakawan ko. Sa pogi kong ‘to?” He scoffs.
I roll my eyes. “Sige. Maglalakad na lang ako. Limang kanto lang naman ang layo ng bahay ni Captain dito eh.”
Hindi ko na sila hinintay na sumagot. Bumaba na ako agad at nag-simulang maglakad.
“CHESKA!” Rinig kong sigaw ni Raven. Pero I keep walking. Matigas talaga ulo ko kapag may bagay akong gusto o dapat gawin.
“Kuya may bilihan ban g pagkain na malapit dito?” Si Raven pa rin.
Kumusta naman ‘tong bestfriend ko. Malapit ng mag 3:30 pero naghahanap pa rin ng pagkain. Hindi na lang ba niya kayang tiisin?
I try calling Captain’s phone again pero hindi pa rin siya sumasagot.
What do I even tell him when I see him? Ah, hi Jeric. I broke up with Juami because I never trusted him enough. I’m not going to lie, there will always be a part of me that’s going to doubt you in the future. And also, I didn’t say goodbye to Juami. I couldn’t. So instead, he said goodbye to me. And I don’t deserve you. I never really even came close to deserving someone like you. You really deserve someone better.
Tears fill my eyes as the last thought keeps repeating in my mind.
I don’t deserve his love. I don’t deserve him. Like how I never deserved Juami.
At kung sine-swerte ka nga naman, malolobat pa yung phone mo.
Nasaan na ba ako? Which way to Captain’s house again?
BINABASA MO ANG
Lagot Ka Kay Coach
FanfictionPaano kung ang nag-iisang anak ni Coach Pido ang center of attention ng Growling Tigers? Paano kung biglang magka-interes kay Cheska Jarencio ang Captain ng team na si Jeric Fortuna? Isa lang naman ang kailangan mong tandaan pag niligawan mo si Ches...