Chapter 10:[Twenty Questions Round 2]

3.8K 31 13
                                    

                Natutunaw na ako sa mga tingin nila sa akin. Feeling ko ang init dito sa loob ng Shakey’s. Bakit ganito? Sunud-sunod yung mga pangyayari ngayong araw. Akala ko naman matatapos na kanina sa bus.

                “Uh…” Shet. Ano? Tulong please. Tumingin naman ako kay Raven. Nakatingin lang din siya sa akin. Hinihintay akong umamin.

                “Kaya mo yan Cheska,” Pag-encourage sa akin ni Tata.

                “Alam naman naming nahihirapan kang mamili kaya take your time. Lahat naman kasi kami dito gwapo, sincere at masayang kasama.” Singit ni Aljon.

                Natawa kaming lahat. Dali! Stall pa. Ayoko talagang sumagot.

                “Hihingi na ako ng sorry in advance mga bro, alam ko namang ako yan eh.” Biro ni Kevin. Natawa uli kaming lahat.

                Tapos bumalik nanaman tingin nila sa akin.

                Gusto ka ng sumigaw ng pagkalakas lakas na, SI FORT! SI JERIC MARCO FOTUNA! SI CAPTAIN! Kaso baka biglang magbago isip niya sa pakikipag-close sa akin. ‘Di ba may mga lalakeng ganon? Lumalayo sa babae kapag nalaman may crush sa kaniya. Ayoko naman nun.

                “Pwedeng i-describe ko na lang?” Tanong ko sa kanila.

                Tumango si Aljon.

                “Um…”

                Lahat sila lumapit lalo sa pwesto ko, hanging onto my every word.

                “Semi-kalbo…” Una kong sabi. Sumimangot sila.

                “Umamin ka na Cheska,” Sabi ni Raven.

                Sasabihin ko na sana kaso biglang tumayo si Fort.

                “Cheska, tawag daw tayo ni Coach.” Sabi niya habang papalapit na naglalakad sa upuan ko.

                Ha? Bakit naman kaya? “Bakit daw?”

                “Uh, ‘di ko din kasi alam. Akala ko ako lang eh pero kasama ka pala dapat.” ‘Di siya makatingin sa akin ng diretso.

                “S-sige,” Sabi ko saka tumayo. Hinila naman agad niya yung kamay ko. Naiwan tuloy sila Raven sa may table.

                Nang makalabas kami ng Shakey’s, binagalan ni Fort ang paglalakad.

                “Actually hindi tayo pinapatawag ni Coach,” Bigla niyang inamin sa akin.

                “Ha? Eh bakit tayo babalik sa loob ng school?”

                “Nandun kasi yung car ko ngayon. Ako na lang sana maghahatid sa’yo. Kung okay lang,” Saka siya ngumiti.

                Yung ngiti niya. Grabe. May makaka-hindi pa ba sa kaniya pag ngumingiti siya ng ganyan?

                “Nasabi mo na ba kay Raven?” Tanong ko.

                Tumango siya. “Payag naman si Raven, kaso ang problema si Coach.”

                “Late ng umuuwi yun. Maaga pa naman.” Ang lumalabas tuloy sa sinabi ko parang gusto kong ihatid niya ako pauwi.

                “Sige tara,”

Lagot Ka Kay CoachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon