Chapter 63: [First]

3.1K 48 40
                                    

A/N: Italicized parts of the chapter are flashbacks. :)

---

Cheska’s POV

 

                @allie07_: Getwell soon @jericfortuna! :)

                @fortunators007: May sakit si idol! Pagaling agad! @jericfortuna

                @jericteng16: Gonna miss you guys at practice. Get well soon! You have to be in condition for                                  next week’s game! @jericfortuna @clarkbautista9

                @ronknjavier: Mga beks @jericfortuna @clarbautista9! Bakit niyo naman ako iniwan mag-isa                                                 dito sa dorm? Pagaling kayo!

                @USTsismis: Nako magdadagsaan ang mga fan girls sa ospital bukas niyan! Pagaling kayo mga                                           paps! @clarkabutista9 @jericfortuna

                               

                Kanina ko pa binabasa ang mga tweets para kay Captain at Tata. Nasa loob ako ng guest room ngayon kasama si Raven. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang nakitulog sa amin ngayon ang best friend ko. Wala naman siyang pino-problema sa alam ko.

                “Cheska, okay lang si Fort. Ano ka ba? Makikita mo din naman siya bukas eh.” Paniniguradong muli ni Raven bago umupo sa kama habang pinupunasan ng tuwalya ang basa niyang buhok.

                “Ha? Wala naman akong sinasabi tungkol diyan ah.” Sagot ko bago i-click ang icon sa twitter para gumawa ng bagong tweet.

                “You’ve been chewing on your lip for the last hour. I’ve known you my whole life. Alam kong nagkakaganiyan ka lang kapag kabado ka o nag-aalala ka.”

                I release my lower lip. Hindi ko namalayang kinakagat ko na nga pala ito. “Hindi ko naman maiiwasan yun Raven eh. May dengue si Jeric at Tata. It may still get worse.”

                “No use worrying about that now. May magagawa ba yang pag-aalala mo? Kapag nalaman ni Fort na nagkakaganiyan ka dahil sa kaniya, baka lalong ma-stress yun. And stress may lead to other things that can make his condition critical,” Tumayo si Raven at inabot ang bag niya sa tabi ng laptop ko na nakapatong sa study table. “Kalma lang,” Tinapik niya ako sa likod bago uli umupo sa kama.

                @jericfortuna: Thanks for your prayers and messages guys! @clarkbautista9 and I really appreciate them. :)

                Kita mo ‘to. Tinignan ko ang phone ko para i-check ang oras. Malapit ng mag-10:30. Bakit hindi pa siya tulog? Dapat nagpapahinga na siya ah.

                @_CJarencio: @jericfortuna You should be resting.

                “Sa tingin mo ba magpapahinga yan kapag nakita niyang nag-tweet ka sa kaniya?” Tanong ni Raven na nakatayo sa likod ko.

                “Mind your own business.” I mutter.

                Natawa na lang si Raven.

Lagot Ka Kay CoachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon