Chapter 64: [Skeletons]

1.4K 40 30
                                    

A/N: Hi guys! Sorry. Sorry. Sorry sa sobrang late na update. I promise to update more after this. It's kind of been a rough year for me but I never forgot you guys. Here's the next chapter. I hope you like it. :)

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Cheska’s POV

"Raven," Inalog ko ang balikat ng bestfriend kong natutulog. "Raven... Raven please..."

He groaned and turned to face the opposite side of the bed. Ang hirap namang gisingin nito. "Raven!"

Nagkamot siya sandali ng ulo bago nag-salita, "Ano ba Cheska?"

"Masama yung kutob ko. May mali eh." Bulong ko. Ang weird naman kasi. Bigla akong nagising ng 2:40 am na ganito agad ang nararamdaman. Hindi naman ako nanaginip ng masama. Buti na lang dito din natulog si Raven ngayon. "May masama atang nangyari."

Raven sighed. Itinakip niya ang hawak na kumot sa mukha niya. "5 minutes, sandali lang, iidlip lang uli ako sandali tapos mag-usap na tayo."

"Sige babalik ako. Punta lang ako sa kwarto ko." I need to distract myself. Bakit nga ba kasi ganito yung nararamdaman ko? Kay Fort ba? Tinignan ko ang phone ko. Wala namang text galing kay Tata o sa hospital. I sighed. Napa-paranoid ako ng hindi ko alam kung bakit.

Teka... Baka naman may nangyari kay Juami?

Shit. If that's the case, what should I even do? I don't think we're on good terms at the moment. Siguro nung isang araw naging malapit lang ang loob ko sa kaniya dahil sa choice na ginawa niya para sa akin. Pero ngayon? Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Tapos kung totoo ngang may nangyari sa kaniya, pano na?

Parang may kung anong kumurot sa dibdib ko. Hindi. Hindi pwedeng may mangyari kay Juami. Baka hindi ko kayanin na may mangyaring masama sa kaniya. Truth is, Juami should stop being the bad guy in my story. He isn't that anymore. He's a friend. He always has been. Masyado lang na-cloud ng emotions ang judgement ko.

Binuksan ko ang twitter app sa phone ko at chineck ang last post ni Juami. 20 minutes ago lang ito. Nag-goodnight lang din siya. I sighed in relief before pacing back and forth on the balcony. Kay Papa at Mama kaya? Kay Manang? Dali-dali akong lumabas ng kwarto at pumunta sa hallway. Lumapit ako sa kwarto nila mama at binuksan ng konti ang pintuan. Napangiti ako nang makitang nakayakap si Papa kay Mama habang natutulog sila.

Bumaba naman ako ng hagdan nang masigurado ko ngang wala sa taas ang problema ko. Nakita ko namang nakatulog din ng mahimbing si Manang sa kwarto niya. Ano nga ba kasi itong bumabagabag sa'kin? May pasok pa ko bukas eh. Naman kasi.

Pumunta na lang ako ng rec room para manood. Hindi pa natatanggal ni Mama ang huling black and white na movie na pinanood niya. Halfway through the film, I think I finally fell asleep, the gnawing worry still present.

Nagising ako sa boses ni Raven. "Huy!"

"Problema mo?" Inis kong sagot bago pumikit ulit. Nasan ba ko? Bakit ang sikip ng higaan ko?

 "Umupo ka nga diyan. Effort pa kong gumising ng ganitong oras para tanungin kung okay ka lang tapos tinulugan mo lang din pala ako." Sagot niya.

"Ang aga aga pa. Matulog ka na nga muna."

"Cheska, sabi mo kanina may sasabihin ka sa'kin. Kinakabahan ka di ba? Umiral nanaman yang amnesia mo kapag inaantok ka." Si Raven.

Naalala ko nanaman yung kaba na naramdaman ko kanina. Mabilis akong umupo. Oo nga pala, nasa rec room pala ako. Tinabihan ako ni Raven sa sofa. "So ano na?"

Lagot Ka Kay CoachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon