Chapter 12:[Hello Stranger]

4.1K 39 10
                                    

Cheska's POV

             1 pm na. Start na siguro ng practice nila Fort. Nandito ako sa loob ng sasakyan ni Raven. Siya ang maghahatid sa akin papunta sa gym kung saan ako naka-enroll. Hindi siya na-late ngayon. Actually pagbaba ko, nandun na siya.

             "Lapad ng ngiti natin ngayon ah," Biro niya bago kami nakalabas ng UST. Medyo malayo kasi yung gym sa school. Wag na sanang sumunod si Fort kasi baka mapagod siya sa pag-drive. Babalik pa naman ng Lacson yun.

             "Bakit si Fort yung nagdala ng pinapakuha ko sa'yo kanina?" Tinitigan ko siya ng masama.

             "Sus, eh kinilig ka naman! Ako naman talaga pupunta kaso nakabangga ko si Fort nung pababa na ako. Tinanong naman kung saan ako pupunta. Edi sinabi kong dadalhin ko yung jacket sa'yo. Kaso nasa carpark pa yung jacket kaya dun ko pa dapat kukunin."

             "Eh bakit nga siya yung nagdala?"

             "Kasi PO kamahalan, nag-volunteer siya na siya na lang daw magbibigay sa'yo. May ibibigay din daw siya kaya um-oo na lang ako. Teka nga, bakit ibang jacket naman yang suot mo?"

             "Hoodie niya yung binigay niya sa akin kanina. Hindi mo ba binigay yung jacket ko?"

             "Binigay ko yung susi ng kotse ko kasi sabi niya siya na lang daw kukuha nh jacket. Wala naman na dito yung jacket mo?"

             San naman kaya napunta yun? Kinuha kaya ni Fort?

             Matapos ang halos isa't kalahating oras ng biyahe, nakarating na kami ni Raven sa gym. Malapit lang ang bahay nila dito kaya mag-text na lang daw ako kapag magpapahatid na ako. Nakakahiya naman sa kaniya. Si Papa kasi di ako papayagan kapag hindi yan kasama.

             Pumasok ako sa locker room para magbihis. Naka-sports bra lang ako at itim na cycling na knee-length.

             Nag-warm up ako sandali. Stretching lang naman. Saka ko sinuot yung gloves ko at headgear.

             Sinalubong naman ako ng sparring partner ka nang pumasok ako sa loob ng boxing ring.

             "Okay," Sambit ng lalakeng kaharap ko na mas matangkad sa akin ng ilang pulgada. "Let's begin."

Raven's POV

             Nagbihis lang ako ng t-shirt at workout shorts ko bago bumalik sa gym. Nakita ko naman agad si Cheska na nasa loob ng ring.

             Nanlaki ang mga mata ko nang masuntok niya yung gilid ng ulo ng partner niya gamit yung kanang kamay niya. Tumalsik ng konti yung lalake.

             Ouch. Sakit siguro nun. Na-try ko ng masuntok noon ni Cheska eh. 'Di siya magandang feeling.

             Matapos ang dalawang oras, nakita kong may pumasok na bagong mukha sa loob ng gym. Si Fort.

             Nilapitan ko siya agad. "Uy, idol." Bati ko bago nakipag-apir sa kaniya.

             "Si Cheska?" Tanong niya habang iniikot ng tingin yung loob ng gym.

             "Nandun siya banda. Tara panoorin natin. Wag ka masyadong matakot sa makikita mo ah." Paalala ko habang nakangiti. Mukhang nagtaka naman siya sa sinabi ko. 'Di pa kaya sinabi ni Cheska sa kaniya yung sport niya? Nako. Magugulat talaga 'tong si Captain.

Lagot Ka Kay CoachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon