“Ikaw Jeric may nililigawan ka na ba?” Tanong ni Mama habang nakaupo na kami sa dining table. Magkatabi kami ni Raven ng upuan. Nasa dulo naman si Fort. Magkatabi si Mama at si Papa sa harap namin.
Nasamid ako nang marinig ko ang tanong ni Mama. Inabot ko agad yung tubig at uminom. Si Fort naman mukhang namutal ng konti. Si Raven nakuha pang ngumiti.
“Mama,” Suway ko sa kaniya. “Private naman na po ata yun.”
“Cheska, hayaan mo na ako. Alam mo namang hindi ka kita maka-kwentuhan sa ganyan.” Sabi ni Mama bago ulit tumingin kay Captain.
Ngumiti si Captain, “I’d like to think na nililigawan ko na nga po siya under the circumstances.” Sagot niya.
“That’s good to know. Siguro naman ang katulad mong gwapo ay makakahanap din ng deserving na babae hindi ba?” Nakangiti na din si Mama. Si Papa naman pinapanood lang silang mag-usap.
Si Raven mukhang matatawa na sa usapan. Eto nanaman kami. Mamaya mapahamak nanaman ako sa kaniya.
“Actually tita, sana po ako ang deserving para sa kaniya. Hard to reach po kasi. Buti na lang nakatungtong ng konti kaya naabot din kahit kinulang sa height.” Pagbibiro niya.
Natawa kaming lahat. Napangiti naman si Papa. So far so good.
“Paanong naging hard to reach?” Tanong ni Raven. -____- Sarap kutusan.
“Hindi ko din ma-explain. I guess you’ll just have to find a girl like her para malaman mo sa sarili mo.” Sagot ni Fort.
“Parang may kilala naman akong ganun pero hindi naman siya hard to reach ah.” Pagpupumilit pa rin ng best friend ko.
Ah guys. Hello. Nandito lang ako. Wag niyo naman akong pag-usapan na parang wala ako dito.
Jeric smiled his full smile. Yung tipong lalong naningkit yung eyes niya. My heartrate sped up again. “I guess you have to see her the way I do.” Saka siya tumingin sandali sa akin.
Nag-blush ako. Nako patay. Sana hindi mapansin nila Papa.
“Maganda ba siya iho?” Tanong ni Mama.
Gusto ko ng lamunin ng lupa. Bakit kailangan pang magtanong ni Mama ng ganyan? Nawalan na ako ng concentration sa kinakain ko.
Napangiti ulit si Fort. “Very,”
Umubo si Raven. Nag-oobject.
-___-
“Very lang pala eh. Mas maganda pa din si Cheska.” Biglang sabi ni Papa.
Nasamid nanaman ako. Ano ba yan. Ang sakit na ng lalamunan ko.
“Oo naman po Coach. Si Cheska pa.” Sagot ni Captain.
Biglang sumimangot si Papa. “Buti hindi ka nagka-gusto sa anak ko Fort.”
Natigilan si Captain. Seryoso ba si Papa sa tanong niya?
BINABASA MO ANG
Lagot Ka Kay Coach
FanfictionPaano kung ang nag-iisang anak ni Coach Pido ang center of attention ng Growling Tigers? Paano kung biglang magka-interes kay Cheska Jarencio ang Captain ng team na si Jeric Fortuna? Isa lang naman ang kailangan mong tandaan pag niligawan mo si Ches...