A/N : Meron akong na adjust sa chapter 1. Para hindi gumulo ang timeline ko. Advance happy new year din pala sa lahat. Thanks for reading my story. :)
~~~~~¤¤¤~~~~~
Nanonood kami ng kapatid kong si Mitang ng TV sa sala nang may kumatok sa pintuan. Napasubo pa ako ng popcorn nang sabay kaming nagkatinginan sa isat-isa ni Mitang. Siguro ay narinig din niya ang katok na iyon.
"Alam mo na ang gagawin." sabi ko.
"Oo na, pala utos ka naman palagi!" napunguso siya na tumayo na napakamot pa sa ulo.
Nagpatuloy ako sa pagkain ng popcorn habang nanonood nang TV. Mabuti nakuha niya agad ang gusto kong mangyari na buksan ang pintuan.
"Ate, may naghahanap sa'yo." si Mitang na nakatayo hawak ang door knob ng pintuan.
"Sino?"
"Siya daw ang gwapong binata sa kapitbahay."
Natigil ako sa pagkain ng popcorn at bagot na tumayo para lumapit na sa kanya. Hindi na ako magugulat kong sino ang binatang naghahanap sa akin.
Si Isagani the virgin lang naman ang kilala ko sa lugar na ito na binata. Nang makaharap ko na siya ay pinaalis ko na si Mitang na bumalik na rin sa sala.
"Anong kailangan mo sa magandang dalaga na katulad ko?" matipid kong tanong.
"Hindi kaba busy ngayon? Sama ka sa akin." yaya niya.
Gayak na gayak sa kasuotan niya ngayon na parang may importanteng pupuntahan.
"Saan tayo pupunta?"
"Tumawag kasi sa akin si Penelope, pinapunta tayo sa mansion nila. Birthday niya ngayon."
"Talaga?" bagot ako na makausap si Isagani ngayon dahil wala ako sa mood para makipaglandian pero nang malaman kong birthday ang pupuntahan namin ay parang nagising agad ako. "Anong handa nila?"
"Sumama ka na lang, sabay tayong pumunta doon."
Napatingin ako sa aking relo. Alas kwatro na pala ng hapon. Timing dahil malapit nang gumabi, doon na siguro ako magdi-dinner.
"Sige, wait lang, bihis lang ako."
Pormal siyang napatango kaya umalis na ako sa harapan niya para magbihis. Sinuot ko ang red dress ko na paborito kong damit kapag may lakad ako.
Nakapag-make up na rin ako tulad ng nakasanayan ko. Ilang sandali ay binalikan ko na si Isagani sa labas. Nagpaalam na rin ako sa kapatid kong si Mitang na magagabihan ako.
Nang papalapit na ako kay Isagani na nakaupo sa motor niya ay bigla itong napangiti dahilang lumitaw ang malalim na dimple nito.
Natigilan ako sa paglapit sa kanya at napangisi. "Are you attracted to me, Isagani? Bakit ang laki nang ngiti mo dyan?" tanong ko.
Napadungo ang ulo niya na tila umiwas muna ito nang tingin. Ilang sandali ay bumaling din ang paningin niya sa akin. Nawala na ang natural na ngiting nakita ko kanina.
"You're attractive and beautiful, Kristina. Sa ganda mo baka matupad ang pangarap mong makapag-asawa ng mayaman balang araw."
Sa totoo lang ay medyo kinilig ako sa sinabi niya. Parang tumaas pa ang confidence ko sa sarili. Automatiko akong napangiti.
"Talaga? Sana ay magdilang anghel ka Isagani."
Bumaling na ang paningin niya sa motor niya at pinaandar na ito.
BINABASA MO ANG
Be My Baby
RomanceSi Kristina Seno ay nagbabalik sa pag-aaral matapos ang apat na taon na pagkakahinto nito sa Kolehiyo. Kahit kapos sa pera ay gagawin niya ang lahat para lang matutusan nito ang pag-aaral ng mag-isa. Anong gagawin niya kung magkita ulit sila ng lal...