Nang nakatulog na ako galing sa puyat ko sa trabaho. Pagdating ng hapon ay nagpasya akong pumunta sa tindahan ni Aling Nena para kausapin si Isagani. Bagong ligo ako ng mga oras na iyon, nakasuot lang ng maikling short at white t-shirt na usual dress ko sa bahay.
Sa paglalakad ko ay malayo pa lang ay nakita ko na ang tatlong kabataan na mga kasing edad ni Juan na naglalaro ng phone sa may tindahan. Pagdating ko sa harap ng tindahan ay si Juan ang tindero.
"Juan, nandyan ba Tito Isagani mo?" tanong ko.
"Opo, Ate Tina," magalang na sagot niya.
"Pwede pakitawag, kakausapin ko lang," pakiusap ko.
"Sige po."
Tumalikod na si Juan at umalis pansamantala para tawagin ang Tito Isagani niya. Habang naghihintay sa kanila ay gumamit muna ako ng phone para hindi ako mabored sa kakahintay.
Ilang sandali ay isang malakas na sipol ng lalaki ang narinig ko sa may gilid ko. Natigil ako sa paggamit ng phone at napalingon. Galing ang sipol sa tatlong kabataan na naglalaro ng phone.
"Hi, Ate Sexy... pwedeng pahingi ng number," sabi ng lalaking nasa gitna.
Tumawa ang dalawang lalaking kasama niya at nagtulakan sila. Tumingin pa sila sa hita ko at napamura.Napakunot noo ako at biglang nang-init ang ulo ko. Ang kapal ng mukha ng mga ito! Ang babata pa ang bastos na! Mabilis kong hinablot ko ang isang balot na monay dito sa tindahan para ihagis sana sa kanila. Hindi ko pa naiibabato ay sumulpot si Isagani sa likod nila at pinaghahampas sila ng walis ting-ting sa likod.
"Umalis kayo! Layas!" bugaw ni Isagani.
"Aray! Aray! Aray!" bulaslas nilang tatlo.
Napatayo sila sa kinauupuan at natigil ang sa pagtawa nang paghampasin sila ni Isagani. Biglang nabuwag ang grupo nila. Naibalik ko ang monay sa tindahan dahil na satisfy ako paghihiganti na akin ni Isagani.
"Bakit kaba namamalo kuya Isagani?" reklamo nila.
"Mga bastos kayo! Doon kayo maglaro sa bahay ninyo!" sigaw ni Isagani.
Napanguso ang mga lalaking sumipol sa akin. Napakamot sila sa ulo at hindi nagtagal ay umalis na rin ang mga ito dito sa tindahan. Napangisi ako na makita kong hindi sila lumaban kay Isagani. Sa laki ng katawan ni Isagani. Wala silang laban kahit tatlo pa sila.
"Okay ka lang Kristina?" tanong ni Isagani.
"Okay lang," matipid kong sagot at ngumiti agad. "Infairness, may pamalo ka agad sa kanila. Thank you."
"Wala 'yon," huminga siya nang malalim. "Hinahanap mo raw ako?"
Tinabi niya ang walis tingting na hawak at pumasok sa loob ng tindahan. Nanatili akong nakadungaw sa kanya dito sa labas. Nakapatong ang isang siko ko sa bungad malapit sa grills habang siya mismo ang naging tindero sa loob.
"Gusto ko kasi kitang makausap," pormal na sabi ko.
"Para saan?" seryosong tanong niya.
Huminga muna ako nang malalim bago magsalita. Sana ay pumayag sila gusto kong mangyari. Ayoko na kasing mag-alala pa sa kanya lalo na kung nasa trabaho ako sa club.
"Sa susunod, wag ka nang pupunta ng club para kunin ako. Wag ka na rin tumawag sa akin kapag nasa duty ako, please." pakiusap ko.
"I can't promise to you, Kristina." mabilis niyang sagot.
Automatikong napaawang ang bibig ko. "Isagani naman... bakit kasi ginagawa mo ito? alam kong na concern ka sa akin dahil studyante mo ako pero ayokong madamay ka sa trabahong meron ako."
BINABASA MO ANG
Be My Baby
RomanceSi Kristina Seno ay nagbabalik sa pag-aaral matapos ang apat na taon na pagkakahinto nito sa Kolehiyo. Kahit kapos sa pera ay gagawin niya ang lahat para lang matutusan nito ang pag-aaral ng mag-isa. Anong gagawin niya kung magkita ulit sila ng lal...