Chapter 51- Kulong

15 2 0
                                    

Habang nakatayo sa likod ng photographer ay tahimik akong nanunood ng photoshoot ni Isagani. Hawak ko pa ang box na nilalaman ng make-up kit ko.

"Okay nice shot!" sabi ng photographer matapos siyang kunan ng litrato gamit ang DHLR camera.

Nagpatuloy pa ang pagkuha sa kanya ng litrato. Top less and naka-black jeans lang si Isagani habang kinukunan siya ng litrato. Hindi nakakasawa pagmasdan si Isagani habang ginagawa niya ang shoot.

Since graduate na ako sa college. Kinuha muna na ako ni Isagani bilang personal make-up artist niya ngayon. Sabi pa niya kanina ay mas comportable siyang makasama niya ako dito.

Ilang oras lang ay natapos na sila sa shoot. Matapos na mag-usap si Isagani at photographer niya ay lumapit ito sa akin.

"Okay kalang ba Kristina, hindi kaba nababagot dito?" tanong niya.

"Hindi nu, paano ako mababagot? Abs mo pa lang gising na ako," ngiting sagot ko sabay abot ng mineral bottle sa kanya.

Tahimik siyang ngumiti sabay tanggap ng mineral bottle. If I know kinilig din siya sinabi ko. Uminom siya sandali bago siya tumingin ulit sa akin.

"I have surprise to you, Kristina." sabi niya.

"Surprise?" takang sabi ko.

Umalis siya sa harap ko at kinuha ang paper bag na inabot sa kanya ng PA ng kausap niyang photographer. Bumalik siyang dala ito. Ngumiti ulit siya sa akin.

"Gift ko sayo, Kristina. Happy Monthsary to us," bati niya sa akin.

Napa-isip ako sa laman ng paper bag na inabot niya sa akin. Halos nalimutan kong monthsary na pala namin dalawa. Masaya akong hindi niya nalimutan.

"Wow. May pa gift talaga?" hindi ko akalain na magbibigay siya ng regalo. Hindi ko naman ngayon kaarawan.

"You're special to me Kristina. Basta alam kong ikakasaya mo. Ibibigay ko."

"Thank you. Pwede ko na bang buksan?"

Tumango siyang nakangiti. Binuksan ko ang paper bag na binigay niya sa akin. Pagkakita ko sa laman ay nakita ko ang isang box. Napatingin ako kay Isagani. Sa ekspresyon ng mukha mas excited pa siyang buksan ang gift niya sa akin.

Nang nakuha ko ang box sa loob ng paper bag. Ito na ang sunod na binuksan ko. Nang makita ang nasa loob. Nakita ko ang isang set ng make up na galing pa sa isang mamahaling cosmetic brand product sa ibang bansa. Ang alam ko ay mga mayayaman lang kayang maka afford na makabali nito.

"Para sa akin ba talaga ito?" gulat kong tanong. Lumaki ang ngiti ko na makita ang regalo niya sa akin. Pangarap ko talagang magkaroon ng kompletong set ng make-up.

"Nagustuhan mo ba?" nakangiti niyang tanong.

Hindi agad ako makasagot dahil gulat pa rin ako sa bigay niya.

"Paano mo naisip na regaluhan ako ng ganito?"

"I just noticed that you like doing make up. It's your passion, right? Kung mahal mo ang bagay na iyon. I always support you, Kristina."

Ang thoughtful ni Isagani. Naisip pa niya iyon. Parang naisip ko tuloy ay ako lang ang babaeng na sa isip niya. Inuuna niya pa ang kasiyahan ko. Halos lahat ng ginagawa ko ay lagi niya ang sinusuportahan kahit sa pagawa ko ng vlog.

Pero napapaisip pa rin ako kung saan niya nakuha ang pera na binili niya para sa akin.

"Ang mahal naman nito Isagani. Baka maubos na ang pera mo dahil sa mahal nito."

"Hindi na mahalaga sa akin kung gaano kamahal yan Kristina, ang mahalaga ang makita kitang masaya," sabi niya sabay haplos niya sa buhok ko.

Habang nakatingin siya sa akin. Ramdam kung iniingatan niya ako at wala ng ibang lalaki ang magpapasaya sa akin kundi siya lamang.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 23, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Be My BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon