Chapter 16- Pag-ibig

35 7 1
                                    

"Kristina!" tawag sa akin ni Luigi.

Napalingon ako kaya naputol ang usapan namin ni Clarisse. "Oh."

Kung kanina ay malungkot ang mukha ni Luigi dahil sa problema niya kay Margarette. Sa pagkakataong ito ay banayad na ang mukha nitong lumapit sa amin. Napabaling agad ang paningin niya kay Clarisse.

"Pwede ko bang makausap si Kristina, sandali lang?" paalam nito.

Napasulyap pa si Clarisse sa akin bago sumagot. "Okay, babalikan naman ako ni Isagani dito mamaya, sabi niya." payag nito.

Bahagyang ngumiti ito at bumaling ang paningin sa akin si Luigi. "Tara, Kristina may sasabihin ako."

Dahan-dahan nang hinila ni Luigi ang braso ko upang tumayo sa kinauupuan ko. Wala akong choice kundi ang sumama na sa kanya. Napasulyap pa ako kay Clarisse at kumaway ng isang beses bago tuluyang umalis para magpaalam na rin sa kanya. Gumanti din ito nang ngiti. Nakita ko ring lumapit na si Isagani sa kanya bago tuluyan na ako tumalikod.

Dinala ako ni Luigi malapit sa catering area at inabot ang isang wine glass na may laman na red wine. Parang napaparami na ang inom ko ngayon. Kapag kasama ko ang lalaking ito ay lagi akong pinaiinom ng alak. Gayumpaman ay hindi na bago iyon sa akin.

"Thanks Kristina, nagkabalikan na kami ni Margarette. Thanks sa tulong."

Mahinang napabuntong hininga ako. Akala ko kung ano ang sasabihin niya. Kung tutuosin ay simple lang naman ang ginawa ko.

"Wala 'yon, maliit na bagay." sabay inom ko ng drinks na binigay niya. "Nasaan na si Margarette?"

"Nandoon na sa kaibigan niyang sila Raine." sagot niya sabay inom niya ng drinks. "Pasensya na kung hindi kita nakamusta kanina, I heard na kapitbahay daw kayo ni Isagani sa Santiago. It's that true?"

Napangiti ako. Sa tuwing naririnig ko ang pangalan ng lalaking iyon. Automatiko akong napapangiti.  "Oo, actually teacher ko siya sa ECU. Remember sabi ko babalik na ako sa college."

Napaisip ito. Napatingin kay Isagani bago bumaling ito sa akin. "Naaalala ko, member na pala ng Kappa si Isagani, siguro si Valmore ang tumulong sa kanya na makapagtrabaho doon."

Bigla akong napaisip at natigilan. Bahagyang gumalaw ang kilay ko. "Kappa? Anong kinalaman ni Valmore sa pagtra-trabaho niya doon?" tanong ko.

Bahagyang natawa si Luigi. "Ang Dad ni Valmore ang bagong Chancellor ng ECU, isang alumni ng Kappa kaya madali lang makapasok si Isagani roon. Lalo na katatapos lang ni Isagani ng Masteral last year."

Sa sinabi ni Luigi ay hindi ko akalain na marami nang nangyari sa buhay ni Isagani sa ilang taon na hindi kami nagkita. Kung sabagay kong gusto niyang maging guro sa ECU. Bagay sa kanya iyon dahil bukod nakapagmasteral na siya at graduate pa si Isagani ng summa cumlaude.

"So habang nagtra-trabaho siya, nag-aaral siya?"

"Oo, may schedule na weekend ang masteral sa ECU."

"Ganoon ba, good for him." mahinhin akong napatango-tango ako.

Niloloko ko lang itong si Isagani ng one night stand noon. Hindi ko akalain na mataas na ang education attainment niya. Lalo na siguro kong mag-aral siya ng Law.


Nakakapagtataka nga lang. Maganda naman siguro ang trabaho siya sa munisipyo bilang assistant ng Mayor. Bakit kailangan pa niyang lumipat ng ibang trabaho?

Ilang sandali nang kamustahan namin ni Luigi ay nagpaalam na kami sa isat-isa. Bumalik na rin ako sa table nila Raine, Mellisa, Denise, Luisa at Margarette para makipagkwentuhan pa.

Be My BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon