Chapter 3- Ex-girlfriends

45 9 2
                                    


Sa kasunduan namin ni Isagani na mamasyal sa Santiago. Naghanda ako para sa akin sarili ko. Alas kwarto ng hapon ang usapan namin na lumabas.

Bumababa ako ng hagdan na mabango at bagong ligo nang makasalubong ko si Mitang. Suot ang red tank top sa pang-itaas at denim short sa pang-ibaba habang nagsusuklay ng buhok.

"Ate, saan ka pupunta?"

"Gagala lang kami ni Isagani."

"Saan?"

"Kahit saan."

"Magda-date kayo no?" tila nang-aasar niyang tinig.

"Tumigil ka nga! Ikaw muna dito, bantayan mo muna ang bahay, habang wala pa si Nanay." bilin ko.

"Okay, basta ba bigyan mo muna ako ng pangmerienda bago ka umalis."

Naglalambing na naman itong si Mitang. Mahilig talaga itong kapatid ko humingi ng pera pambili ng pagkain. Kung sabagay hapon na kaya pagbibigyan ko nalang. Dumukot ako ng twenty pesos sa bulsa.

"Oh, yan." inabot ko sa kanya ang pera. "Basta dito kalang sa bahay." bilin ko.

Lumaki ang ngiti niya sa labi. "Oo Ate, thank you, sa uulitin."

Tumalikod na siya at umalis sa harapan ko.

"Hoy! saan ka pupunta?" pahabol ko.

"Bibili ng pagkain sa tindahan ni Aling Nena." sagot nito.

"Sige. Sige." para matapos na agad ang usapan namin.

Umalis na siya para bumili ng merienda sa tindahan.  Ako naman ay abala na humarap ulit sa salamin dito sa sala para tapusin ang pagsusuklay ko sa buhok.

Isang busina ng motor ang narinig ko sa labas. Nandyan na siguro si Isagani sa labas naghihintay. Tinigil ko na ang pagsusuklay at mabilis na lumabas na ng bahay.

"Tara na!" yaya ni Isagani nang magkita na kaming dalawa.

Lumapit na ako sa kanya habang sakay siya sa kanyang motor.

"Teka, hintayin mo na natin ang kapatid ko." tumingin mo na ako sa tindahan ni Aling Nena.

"Si Mitang ba? kausap siya ni Juan."

"Ano? Sinong Juan?"

"Si Juan ang pamangkin ko."

Naku! Ang batang iyon, bago palang kami dito nangangapit bahay na. Iniwan ko muna si Isagani para punatahan si Mitang. Nakita ko siyang kausap ang isang lalaki na halos ka edad niya lang.

"Hoy Sushmita! lumapit ka nga dito." tawag ko.

Napatingin din ang lalaking kausap niya sa akin. Lumapit si Mitang sa akin dala ang isang balot ng monay.

"Ate, kinausap ko lang siya."

"Bakit kinakausap mo yan lalaki  eh, bago palang tayo dito?"

"Eh bakit ikaw kay Kuya Isagani, okay lang."

"Magkakilala na kaming dalawa noon pa."

Napanguso siya sa harapan ko. "Kakilala ko rin naman siya, classmate kami sa ECH."

"Classmate?"

"Oo, ngayon ko lang din nalaman na dito siya rin nakatira."

Napatingin ako sa lalaking kausap ni Mitang kanina. Nakangiti itong kuma-kaway ito sa akin habang  may hawak ng saranggola.

Be My BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon