Chapter 2- Tindahan

49 10 1
                                    

Sumilip ako sa kabilang bakuran ng kapit-bahay para makahanap ng taong makakausap. Gusto ko lang magtanong kung sino ang lalaking kasama nila sa bahay.

Sa pagsilip ko sa bakuran nila ay nakita kong walang taong nagdadaraan. Tanging mga alagang inahing manok at mga sisiw lang ang nakita ko na naglalakad sa lupa na pagala-gala. Sa paligid ay marami din silang pananim na halaman.

"Ate Tina!" sigaw ni Mitang kaya napalingon agad ako.

"Ano?" hawak pa rin ang walis ting-ting.

"Ate, wala na tayong suka!"

"Eh ano naman kung wala ng suka?"

"Hindi na maluluto itong paksiw." malungkot na tinig nito.

Masarap pa naman ang niluluto niyang ulam. Gusto ko nang maluto iyon para makakain dahil medyo nakakaramdam na rin ako ng gutom. Binitawan ko na hawak kong walis-tingting at lumapit na sa kanya.

"Kumuha ka ng pera dyan sa bag ko, bibili ako ng suka." utos ko.

"Saan ka bibili ng suka?" tanong niya.

"Sa tindahan ni Aling Nena." turo ko sa tindahan ng kapit-bahay.

Napatingin pa siya sa tindahan na tinuro ko bago bumaling ulit sa akin.  "Sige."

Tumalikod na siya at umalis sa harapan ko para kumuha ng pera sa bag ko sa loob. Nang maibigay na sa akin ni Mitang ang pera ay pumunta na ako sa tindihan ni Aling Nena para bumili ng suka.

Nang makarating ako sa tindahan. Isang babaeng medyo mataba, maputi at mukhang mabait ang nakita kong tindera.

"Ano sa'yo neng?" tanong niya.

"Pabili nga po ng suka."

"Yung bote ba o yung potch."

"Bote po."

Bahagya siyang ngumiti at tumalikod sandali para kunin ang suka. Sa paghihintay ay napasilip ako sa sandali sa bahay nila sa likod.

Sa pangalawang palapag ng bahay nila ay may nakita ako isang binata na nakadungaw sa may balkunahe.

"Ito na neng, 18 pesos lang." sabi ng tindera.

Binigay ko na ang bayad ko sa tindera. Ngumiti ako nang mahawakan ang bote ng suka.

"Kayo po ba si Aling Nena?" tanong ko.

"Oo." mabait niyang sagot. "Kayo ba ang bagong lipat dyan?"

"Opo, ang pangalan ko po ay Kristina, kagabi lang po kami lumipat." pakilala ko.

"Mabuti may nakatira na dyan, matagal na kasing bakante yan."

"Ganoon po ba." ngumiti ulit ako. "Aling Nena, may lalaki ba kayong kasama dyan sa bahay ninyo?" tanong ko.

Natigilan sandali si Aling Nena at tila napaisip. "Bakit mo na tanong Kristina?"

"May tumatawag kasi sa pangalan ko doon sa taas, isang lalaki."

"Ah... baka yung anak kong si Juan."

Natigilan ako sandali at napaisip. Sa buong buhay ko ay wala naman akong kilalang Juan. Ilang saglit ay bumaling ulit ang paningin ko kay Aling Nena.

"Kalimutan na lang ninyo yung sinabi ko, baka guni-guni ko lang po iyon."

"Sige." nakangiting Aling Nena.

Humakbang na ako sa papalayo sa tindahan ni aling Nena. Sa paglalakad ko ay napatingin ulit ako sa pangalawang palapag ng bahay nila. Natigilan ako nang makita ulit ang isang binata na nakagungaw sa may balkunahe.

Be My BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon