Chapter 18- Medal

37 7 0
                                    

Sa harapan ko ay hindi nagsalita pa si Isagani. Tumalikod siya at kinuha ang morning towel na nakasabit sa may hagdan. Dali niyang pinunasan ang pawis sa sentido at batok nito bago bumalik ang paningin sa akin.

"Mag-usap na lang tayo mamaya, Kristina." sabi niya.

Parang nawalan nang gana na makipag-usap sa akin ang lalaking ito. Sana ay mabigyan pa niya ako ng bunos points para makapasa na ako sa exam niya sa Prelim.

"Okay," umirap pa ako sa kanya.

Mula sa kinatatayuan ko ay biglang tumunog ang tiyan ko sa gutom. Natigilan si Isagani sa pagpunas ng pawis nito. Sabay na nagtama ang mga mata namin dalawa. Oh my ghad! Marahil ay narinig niya ang tunog ng tiyan ko.

"Alam ko na kung bakit lumapit sa akin, dahil siguro wala ka pang breakfast , Ano?" singal niyang tanong.

Bahagyang napanguso ako. "Nagugutom kasi ako Isagani, pakainin mo naman ako. Please," wika ko sabay hawak sa tiyan.

Alam kong nakakahiya ang ginagawa ko. Para sa akin, sa ngayon hindi na uso ang patigasan ng pride. Anyway, pinalaki naman ako ng nanay ko na makapal ang mukha. Napakamot sa sentido si Isagani. Hawak ang  morning towel ay sinampa niya iyon sa kanyang balikat.

"Wala pa akong sinaing na kanin, Kristina. Baka maghintay ka pa dahil magluluto pa ako."

"Kahit bahaw?"

Since nandito na ako sa bahay ni Isagani. Kakapalan ko na ang mukha kong dito na mag-breakfast. Kaysa sa umuwi pa ako sa bahay para magluto. Dito na lang ako kakain. Minsan lang naman ito mangyari.

"Merong bahaw dito pero diba diet ka? Nakakataba daw ang bahaw na kanin."

Napamewang agad ako. "Isagani, always remember... walang diet sa taong gutom."

Tumalikod na ako sa kanya para magbukas ng mga kaldero sa kusina nila upang hanapin ang bahaw na kanin na sinasabi niya. Sa panahon na gutom na ako. Hindi ko na kailangan na maging chossy.

Nang makita ko na ang bahaw ay medyo nabuhayan na ako ng loob dahil makakain na ako ng libre. Mula sa likod ko ay biglang sumulpot si Isagani at inagaw ang kaldero ng rice cooker na hawak ko.

"Umupo kana Kristina, sa harap ng lamesa. Ako na ang bahala dito," mabait na utos niya.

"Teka! Kakain na ako, Isagani." sabay hawak ko ulit sa kaldero na hawak niya. Tila nag-aagawan na kami sa rice cooker.

"Lulutuin ko muna ito sa fried rice para uminit, at makapag-breakfast na tayong dalawa."

Akala ko ay hindi siya papayag na kumain ako dito. Iinitin lang pala niya yung kanin. Kung tutuosin ay mas maganda ang idea niya.

 
"Okay." sang-ayon ko.

Pumunta na ako sa harap ng lamesa at umupo sa upuan para maghintay  sa lulutuin ni Isagani. Nagsuot na siya ng apron na pangluto. Sa kinauupuan ko ay pinagmasdan ko lang siya sa ginagawa nito.

Ilang sandali ay nakita ko na siyang naghiwa ng mga bawang at sibuyas. Nag-init na rin siya ng kawali.

Napa-alumbaba ako habang pinapanood siya. Habang nakikita ko siyang seryoso sa ginagawa niya. Napagtanto ko ngayon na ang cute pala ni Isagani kapag nagluluto. Ang swerte naman ng babaeng magiging asawa nito. Dahil bukod sa matalino at mabait itong si Isagani ay marunong magluto.

Marunong naman akong magluto pero mas gusto ko ang mag-bake.

Habang naghihintay ay napatingin ako sa palibot ng bahay nila. Napansin ko na ang tahimik at wala akong ibang makita na na tao maliban sa aming dalawa.

Be My BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon