Nakaupo ako sa sofa hawak ang remote control habang nanonood ng TV nang lumapit sa akin ang kapatid kong si Mitang. Napalingon ako sa kanya at nakitang may hawak siyang mga papel.“Ate, may pera kaba dyan?” tanong niya.
“Bakit?” tanong ko rin habang hawak ang remote habang naglilipat ng channel.
“Eh… kasi due date na natin sa biling sa kuryente at tubig. Nakalimutan mo bayaran noong nakaraan kaya umabot na ng dalawang buwan.”
Natigilan ako sa panonood ng TV at mabilis na hinablot ang mga papel niyang hawak na mga billing pala namin. Shit! Sa nabasa ko ay umabot na ito ng libo ang bayarin. Dahil gipit ako noong nakaraang buwan ay nakalimutan ko itong bayaran.
“Sige, ako na bahala nito.” sabi ko.Kinuha ko ang wallet sa bulsa ko at binigyan si Mitang ng pera pambayad sa mga bayarin. Mabuti nalang ay binigyan ako ni Isagani ng allowance kaya hindi ako masyadong problemado ngayon.
Nanghiningi pa si Mitang nang pang-allowance sa pag-aaral, bayad sa utang sa tindahan at iba pang gastusin sa bahay. Hindi ko namalayan na 2000 nalang ang natira sa pera ko.
“Thank you Ate. Ako na bahala na pagbayad nito. Aalis muna ako.” sabi niya na umalis na sa harapan ko.
Pagtingin ko sa wallet ko ay halos malapit na ito maubos. Naku! 5000 na lang natira sa bank account ko. Ayoko munang humingi kay Isagani lalo na bago lang niya ako binigyan kahapon. Napabuntong hininga ako at napa-isip. Dapat ay may gawin akong paraan na hindi ako naka-asa lang kay Isagani.
KINABUKASAN ay pumunta ulit ako sa bahay nila ni Isagani para pagsilibihan siya. Madali lang akong natapos dahil maaga akong pumunta sa kwarto niya para maglinis. Matapos ay tsaka ako naglaba sa labas. Nang masampay ko na ang huling damit ni Isagani sa sampayan ay tuluyan na akong natapos sa trabaho ko.
“Ano’ng gusto mong merienda?” tanong ni Isagani.
“Wag na. Hindi naman ako nagugutom.” sagot ko.
“Okay.” mabait siyang napatango.
Huminga ako nang malalim bago magsalita ulit. “Alam mo Isagani… masyadong malaki yung perang binigay mo sa akin.”
“Bakit ayaw mo?”
“Hindi naman, baka kasi wala nang natitira sa sweldo mo.”
Bigla siyang napangiti. “Wag kang mag-alala Kristina. Hindi lang naman ang trabaho ko bilang teacher ang source of income ko.”
Napataas ang isang kilay ko. “Bakit meron ka pa bang ibang trabaho?”
“Modeling at Investment.”
“Gano’n ba…” iyong nalang ang nasabi ko.
Kung sabagay kong meron pa siyang ibang source of income ay hindi na dapat akong mag-alala na gumastos siya sa akin. Hindi ko alam ang sweldo niya sa mga iyon pero base sa mukha niya ay walang bakas na may problema siya sa pera. Ang perang natitira ko ay titipirin ko na lang hanggang bigyan niya ako next month ng allowance.
“Kamusta na pala kayo ng kapatid mo?” tanong niya.
Napasinghap ako. “Ayos na kaming dalawa. Mabait naman si Sushmita. Kaya nang pinagsabihan siya ni Nanay na hiniwalayan yung boyfriend niya. Sumunod agad siya.” sagot ko.
“Parehas sila ng pamangkin kong si Juan. Pinagbabawalan din siya ni Ate na magkaroon ng girlfriend.”
“Bakit? Lalaki naman si Juan. Okay lang na magkaroon ng girlfriend ‘yon.”
BINABASA MO ANG
Be My Baby
RomanceSi Kristina Seno ay nagbabalik sa pag-aaral matapos ang apat na taon na pagkakahinto nito sa Kolehiyo. Kahit kapos sa pera ay gagawin niya ang lahat para lang matutusan nito ang pag-aaral ng mag-isa. Anong gagawin niya kung magkita ulit sila ng lal...