Gamit ang motor ni Isagani ay sabay kaming dalawa bumalik sa ECU ng gabing iyon. Nang mahinto niya ang motor sa harap ng gate ng girl's dorm ay dali-dali na akong bumababa habang wala pang studyanteng nagdadaraan sa paligid.
Dala ang bag pack ko sa likod. Tinanggal ko ang helmet at ibinalik ito sa kanya. Nanatiling nakasuot ng helmet si Isagani nang tanggapin niya iyon.
"Thank you Sir Isagani sa paghatid sa akin, nakalibre ako ng pamasahe." sabi ko.
"It's not necessary na tawagin mo pa akong Sir, lalo kung tayo lang dalawa Kristina. Hindi naman magkakaiba ang edad natin dalawa." pormal niyang wika.
"Pero gusto ko, para isipin mo ring na mabait din ako." nakangiting sabi ko.
Hindi agad siya nagsalita. Bumaling siya sa kanyang motor na sinasakyan at pinaandar muli ito. Hanggang umilaw nang matingkad ang front lights ng motor.
"I have to go, may gagawin pa akong lesson plan." paalam niya.
"Okay. Bye, Sir." nakangiting paalam ko rin.
Tumunog na ang tambutso ng motor niya. "Gusto kong pumasok ka muna sa loob, bago ako umalis."
"Okay." sagot ko.
Susundin ko na lang siya. Kailangan ko ring maging mabait sa kanya para sa susunod ay makalibre ulit ko ng byahe papunta dito. Sayang ang perang pamasahe. Pangdagdag ko na rin sa allowance lalo na gipit na ako. Naglakad na ako papasok sa may gate.
"Hoy Kristina!" tawag ni Isagani.
Napalingon ako. "Bakit na naman?"
"Ibaba mo 'yang damit mo sa likod, kita 'yang dimple mo!"
Napakunot noo ako. Mabilis kong binababa ang damit ko sa likod. Medyo nakaramdam ako ng konting hiya dahil aminado akong may dimple ako sa mababang bahagi ng balakang ko.
"Boso ka!" sigaw ko.
"Mabuti nga sinasabihan kita, kaysa sa makita pa ng iba."
"Tss. Puro naman kami babae dito," katwiran ko.
Hindi na siya nagsalita pa. Pinaandar na niya ang motor at tuluyang umalis sakay nito. Mabuti ay hindi na siya nakipagtalo sa akin. Actually medyo nahiya akong nakita niya ang dimple ko sa likod. Siguro tumaas ang damit ko habang sumasakay sa motor niya kanina.
Pumasok na ako sa loob ng dorm para makapagpahinga. Pagdating ko sa room ay nadatnan kong nandito na rin ang mga roomates ko. Nakita ko si Loren na isang civil engineering na rumarampa at nagpa-aura sa harap ng salamin habang pinapanood ng dalawa ko pang roomates.
"Wow! Pwede na!" sabi ni Rona.
"Sana manalo ka sa contest." sabi din ni Marian.
Lumapit na ako sa kanila at umupo sa kama ko. Sabay silang napalingon sa akin at napangiti.
"Ate Kristina!" galak na wika ko.
"Ano'ng ganap? Bakit parang ang busy ninyo?" tanong ko.
Nagkatinginan muna sila bago bumaling sa akin.
"May pa-contest kasi sa college nila. Sasali itong si Loren sa Miss engineering bukas." sagot ni Rona.
Napalingon ako kay Loren. "Talaga? Ano handa kana ba sa pageant?"
Actually ay hindi ko alam masyado alam ang ganap sa mga roomates ko. Sa sobrang busy ko ay ngayon ko lang nalaman na sasali siya sa isang contest.
BINABASA MO ANG
Be My Baby
RomanceSi Kristina Seno ay nagbabalik sa pag-aaral matapos ang apat na taon na pagkakahinto nito sa Kolehiyo. Kahit kapos sa pera ay gagawin niya ang lahat para lang matutusan nito ang pag-aaral ng mag-isa. Anong gagawin niya kung magkita ulit sila ng lal...