Habang kaharap ko si Isagani ay hindi na ako nagsalita. Hindi naman ako pumunta dito para magkaroon ng away. Basta ngayon na parang hindi na siya nagtatampo sa akin ay panatag na ako. Napakrus ako ng braso at huminga nang malalim habang nakatingin sa kanya.
"Ano ang gwapo ko 'no?" tanong niya sa akin habang nagtatama ang mga mata namin dalawa.
"Gwapo ka nga pero slow ka naman," sagot ko.
"Slow?" bahagya siyang napakunot noo.
"Oo, feeling ko nga ay binabae ka," natatawang sabi ko.
"Iniisip mo bang bakla ako?"
"Opps! wala akong sinabi," nakangiting wika ko pero umiwas din ng tingin.
"Gusto mong halikan pa kita?" hamon niya.
Bumalik ang tingin ko sa kanya at napangisi. Sa wakas ay nahulog din ang innocenteng lalaking ito sa bitag ko. Humakbang ako ng isang beses palapit sa kanya at nilapit ang mukha ko sa mukha niya.
Napatikom ang bibig ni Isagani nang malapitan na nagtama ang mga mata namin dalawa. Sa sobrang lapit ng mukha namin ay amoy ko mabango niyang hininga. Yung amoy nito ay parang candy mint.
Napatingin siya sa mapula kong labi na at napalunok ito. Kung sakaling halikan ako ni Isagani. Walang akong dapat ikatakot. Malayo kami sa Universidad. Ngayon pa na pinalilibutan kami ng mga putting kumot na nakasampay. Sigurong walang makakakita sa amin.
"Sige... Halikan mo na ako." nakatingalang sabi ko.
Napalunok siya. Ilang sandali ay unti-unting naglakbay ang kaliwang kamay ni Isagani sa pisngi ko kasabay nang makislap niyang titig sa akin. Napaipit ako sa labi ko nang maramdaman ko ang mainit at malambot na palad nito. Nilapit niya ang mukha sa akin.
Sa ginawa niyang iyon ay bumilis ang tibok ng puso ko. Sa mahabang panahon ay mararamdaman ko ulit ang halikan ng isang lalaki. Nang akmang hahalikan na niya ang labi ko ay biglang gumalaw ang puting kumot sa kilid namin dalawa ni Isagani.
Natigil kaming dalawa sa balak naming maghalikan. Sa paglingon namin ay bumungad sa amin ang nakatingin na si Nanay.
"Ano'ng ibig sabihin nito?" gulat na tanong ni Nanay.
Mabilis pa sa kisap mata na naghiwalay kaming dalawa ni Isagani at naglayong sa isa't-isa. Bumilis ang kaba sa dibdib ko. Uminit ang pisngi ko sa kahihiyan.
"Nanay, magpapaliwanag ako!" maagap na sabi ko sabay angat ang isang kamay ko.
Bahagyang naningkit ang mata ni Nanay na napatingin kay Isagani mula ulo hanggang paa bago bumalik ang paningin sa akin.
"Ano Kristina? may balak ba kayong maghalikan dalawa? Dito pa talaga kayo sa labas ng bahay!" galit na sabi ni Nanay.
Shit! Sa tanong ni Nanay ay parang gusto ko munang maglaho sa sobrang kahihiyan lalo na baka may makarinig sa amin. Hindi ko inasahan na susundan ako ni Nanay dito. Kasalanan ko ito dahil hindi ako nag-iingat.
"Aling Magdalena! 'wag kayong magalit kay Kristina. Ako po 'yong may kasalanan," awat na sabi ni Isagani.
Ilang sandali ay dumating si Aling Nena at lumapit sa amin. Bakas sa mukha niya ang tanong kung bakit kami nagkakagulo ngayon.
"Mareng Magdalena, ano'ng problema?" tanong nito.
"Hay naku! Mareng Nena, ito ba naman si Isagani at Kristina. Nakita kong malapit nang maghalikan," sumbong ni Nanay.
Gusto ko nang maging invisible sa Earth. Kasalanan ko ito dahil ang aga-aga ay nilalandi ko na si Isagani. Nahuli tuloy kaming dalawa.
"Ano!" gulat na Aling Nena na napalingon agad kay Isagani. "Isagani, may relasyon ba kayong dalawa ni Kristina?" tanong nito.
BINABASA MO ANG
Be My Baby
RomanceSi Kristina Seno ay nagbabalik sa pag-aaral matapos ang apat na taon na pagkakahinto nito sa Kolehiyo. Kahit kapos sa pera ay gagawin niya ang lahat para lang matutusan nito ang pag-aaral ng mag-isa. Anong gagawin niya kung magkita ulit sila ng lal...