Nasa kwarto ako pinapanood ang prank video sa akin ni Sushmita. Hanggang ngayon ay hindi ko inaasahan na aabot ng million views ang video. Habang nababasa ko ang comment ay halos natatawa sila sa prank sa akin ni Sushmita.
“Ate gawa tayo ng videos na magkasama tayo palagi… dahil sa video na ‘yan ang dami ng gusto na makita ka nila sa mga vlog ko.” sabi ni Sushmita.
“Naku Mitang! Ano’ng mapapala ko sa pagsama sa vlog. Para lang ‘yan sa mga artista.”
“Magkakapera ka sa vlogs. Pagnakasweldo na ako ngayong buwan. Hati tayong dalawa.” kombinse pa niya sa akin.
“Ano’ng hati?” napataas ang isang kilay ko.
Pinaliwanag niya sa akin ang kung paano magkakapera sa vlog. Since approved na siya ng adsense at may advertisement na ang bawat upload niyang video. Sa pamamagitan ng Ads ay nababayaran ang video creator nito. Sa panahon ngayon ay yung ibang walang trabaho ay ginagawa na itong source of income.
“Mukhang maganda ‘yan, sige payag ako.” sabi ko.
“Talaga?” masigla niyang tono.
“Pero hindi muna ngayon. Malapit finals namin… magiging busy na ako sa schedule dahil malapit na rin ang graduations.”
Napabuntong hininga si Sushmita. “Okay… pero kapag hindi kana busy. Samahan mo na akong mag-vlog huh.”
“Sure.” payag ko.
Kahit sa anuman bagay ay supportado ko siya. Since minsan lang humingi ng pabor ang kapatid ko ay pagbibigyan ko nalang. Hindi naman mabigat na bagay ang hiningi niya. Ang importante ay kikita ako sa vlog na sinasabi niya. Pero sa ngayon ay hindi pa ako makakasama sa vlog dahil ang priority ko ay ang pag-aaral ko.
SA FOOD court ay nagkita kami ng baklang kaibigan kong si Hubert na nag-iisa nang minsang naglunch ako roon. Sinamahan niya ako sa pag-upo habang hindi pa tumitila ang buhos ng ulan sa labas. Habang nagpapalipas oras ay nakwento sa akin ni Hubert na sa ibang subject nila ay palagi ng absent si Hannah.
“Baka naman nagkasakit ulit ang anak niya?” tanong ko.
“Hindi ko alam Miss K… basta ang last kong nakausap siya ay nag-away daw sila ng asawa niya.”
“Ano? Nag-away sila ni Ronnie!” gulat na wika ko.
“Oo Miss K… namamaga nga ang mga mata niya noong huli naming kitang dalawa. Feeling ko dahil sa kakaiyak niya iyon.” malungkot niyang kwento.
Nalulungkot ako para kay Hannah. Ano naman ang pinag-awayan ng mag-asawa? Bigla tuloy akong kinabahan ngayon. Sana ay wala akong kinalaman sa away nilang dalawa. Tahimik na ang buhay ko ngayon.
Simula nang nag-usap kami ni Ronnie ay wala na akong communication sa kanya. Ngunit hindi ko maiwasan na mag-alala na madamay pa rin ako sa problema nilang mag-asawa. Kinatatakot ko na baka malaman ni Hannah naging mag-ex kami ng husband niya at minsang niligawan ako.
“Sinabi ba ni Hannah sa’yo ang dahilan ng away nila ni Ronnie?” tanong ko.“Hindi Miss K… actually nasubukan kong tanungin sa kanya pero ayaw niya naman sabihin sa akin.”
“Gano’n ba…”
Kung sabagay ay bukas pa ang schedule na magclassmate kami ni Hannah sa oras ni Isagani. Siguro ay doon ko siya tatanungin ng personal. May balak sana akong sabihin kay Hannah kung anong meron kami ni Ronnie noon pero pinangungunahan ako nang takot.
Naiisip ko kung para saan pa kung sabihin ko… Sa susunod na buwan ay matatapos na ang semester at hindi na rin kami magkikita pagtakapos nun. Ayoko nang madawit sa buhay nila.
BINABASA MO ANG
Be My Baby
Storie d'amoreSi Kristina Seno ay nagbabalik sa pag-aaral matapos ang apat na taon na pagkakahinto nito sa Kolehiyo. Kahit kapos sa pera ay gagawin niya ang lahat para lang matutusan nito ang pag-aaral ng mag-isa. Anong gagawin niya kung magkita ulit sila ng lal...