Nagdaan pa ang mga araw na wala na akong natanggap na balita kay Ronnie. Hindi na rin siya nagtangkang pumunta sa club. Aminado akong medyo namimiss ko ang mga chat niya sa akin pero tulad nang napadesisyonan ko ay ayoko nang magkaroon ng uganayan pa sa kanya.
Kakalabas ko lang sa library nang makita ko si Hannah na naglalakad mag-isa.
"Hannah!" tawag ko sa kanya.
Natigil siya sa paglakad at lumingon sa akin. Puminta sa labi ang ngumiti nito.
"Oh! Kristina."
Lumapit na ako sa kanya. "Mag-isa ka, Nasaan si Hubert?" tanong ko.
"Susunod lang daw siya, may binili lang siya sandali sa school supplies," sagot niya.
Napatango-tango ako. "Ganoon ba... tara, sabay na lang tayo pumasok sa Polscie," yaya ko.
"Okay," sang-ayon niya.
Ilang sandali ay sabay na kaming naglakad pumunta sa room namin. Medyo maaga pa nang nakarating kami dito kaya nandito lang kami sa loob nakaupo sa armchair. Habang naghihintay na mag-umpisa ang clase ay biglang pumasok sa isip ko si Ronnie. Napalingon ako kay Hannah na abalang gumagamit ng phone.
"Hannah," tawag ko.
"Bakit?"
Napalingon siya sa akin. Nagtanggal ako ng bara sa lalamunan bago nagsalita.
"Hannah, saan ba kayo nagkakilala ng asawa mo?" tanong ko.
Matipid siyang ngumiti. "Nakilala ko si Ronnie sa probinsya namin sa Cebu. Noong college pa kaming dalawa ay nabuntis niya ako. Kaya nakahinto muna ako ng pag-aaral para alagaan ang naging anak namin," kwento niya.
"Paano kayo nakarating dito sa maynila?"
Napaisip siya. "Ahmm... Nang nakatapos ng pag-aaral si Ronnie, dinala niya ako dito sa maynila dahil dito siya nakakita ng trabaho. Ayaw din kasi ng parents ko sa kanya. Kaya nagpakalayo kaming dalawa para bumuo na ng pamilya at magsama na."
"Ganoon ba... maganda rin pala ang love story ninyo. Pinaglaban mo siya at sumama ka sa kanya para magsama na kayo."
"Kaya nga bumalik ako sa pag-aaral kasi para magkaroon din ako ng work pagnakatapos na ako. Gusto kong makatulong din kay Ronnie para sa pamilya namin dalawa."
Habang naririnig ko ang mga sinasabi ni Hannah. Alam kong napakabuti niyang asawa. Maganda, matalino at mabait si Hannah. Nakakalungkot lang ay palihim na niloloko siya ni Ronnie. Kaya tama lang ang naging desisyon ko na layuan si Ronnie. Lalo na hindi ko pinangarap nang makasira ng isang pamilya.
"Sana ay magpakasal na kayo ni Ronnie para maging legal na kayo," sabi ko.
Puminta sa mukha niya ang lungkot. "Ewan ko ba Kristina, noong nakaraan ang araw ang cold niya sa akin. Tapos mainitin ang ulo ng asawa ko."
"Baka stress lang sa work. Intindihin mo na lang. Try mo kayang masahiin ang asawa mo tuwing gabi... malay mo ganahan siyang sundan ang panganay ninyo," mapanukso kong wika.
Bigla siyang ngumiti at mahinang napahampas sa balikat ko.
"Naku, bata pa yung anak ko para sundan."
"Masahiin mo lang sa noo, balikat at likod. Para mawala ang stress niya. Malay mo mawala ang init ng ulo niya." suhesyon ko.
"Pwede din, susubukan ko kung kaya ko ba magmasahe. Baka effective."
BINABASA MO ANG
Be My Baby
RomanceSi Kristina Seno ay nagbabalik sa pag-aaral matapos ang apat na taon na pagkakahinto nito sa Kolehiyo. Kahit kapos sa pera ay gagawin niya ang lahat para lang matutusan nito ang pag-aaral ng mag-isa. Anong gagawin niya kung magkita ulit sila ng lal...