Chapter 47- Gulo

31 2 0
                                    

Palabas na ako sa pinto ng bahay nang makasalubong ko ang kapatid kong si Sushmita na galing sa labas.

"Ate, saan ka pupunta?" bigla niyang tanong.

"Bibisitahin ko muna ang boyfriend kong si Isagani sa kapitbahay," kompyansa kong sagot.

"Kayo na pala ni Kuya Isagani?"gulat niyang tanong.

Hindi ko siya nasabihan kagabi dahil tulog na siya nang makarating ako sa bahay.

"Oo...sinagot ko siya," sagot ko.

"Teka! Alam ba 'yan ni Nanay?"

"Hindi pa... pero sasabihin ko rin kapag nakauwi siya mamaya."

Bahagya siyang napangiti at tumayo sa gilid ko. "Mukhang malapit kanang mag-asawa pala Ate. Kapitbahay mo lang ang magiging asawa mo." humagikhik siya.

"Baliw! Wala pa 'yan sa isip ko."

Nagsimula na ako naglakad para lumabas at iniwan si Sushmita. Kakatapos ko lang sa pag-aaral. Wala pa akong balak agad na mag-asawa.

Gusto ko pang lubusin ang makipagladian kay Isagani ngayon pa na Boyfriend ko na siya. Since wala akong ginagawa sa bahay ay bibisitahin ko muna si Isagani sa bahay nila.

"Ate! pag-uwi mo bilhan mo ko ng merienda sa tindahan!" pahabol ni Sushmita.

Ang kapatid kong si Sushmita hindi na nagbago palaging nanghihingi ng merienda sa kahit umaga pa.

"Okay."

Pagbibigyan ko nalang dahil may dala naman akong pera dito sa bulsa ng shorts ko. Naglakad na akopalabas ng bahay para pumunta sa tindahan ni Aling Nena.

Malayo pa lang ay tanaw ko si Isagani sa loob ng tindahan na nagbabantay. Nang minsang napasulyap si Isagani sa akin habang paparating ay bumakas sa mukha niya ang maliwalas nitong ngiti sa akin.

Nang nasa tindahan na ako ay nagkataong natapos na rin siya na asikasuhin ang isang customer na umalis na rin.

"Hi baby boy, good morning," nakangiting bati ko.

"Good morning din." nakangiting bati niya rin sa akin.

Kinikilig ako kapag nakikita ko ang malalim niyang dimple. Swerte ko ay unlimited ko na iyong makikita dahil boyfriend ko na siya. 

"Bakit ikaw ngayon sa tindahan? wala ba si Aling Nena?" tanong ko.

"Wala, umalis silang dalawa ni Mang Baldo. Kami lang ni Juan ang naiwan dito." sagot niya.

"Gano'n ba..."

Ang bait naman ni Isagani. Kahit sa maliit na negosyo na meron sila ay maasahan siya. Parang hindi siya marunong mapagod.


Ilang sandali ay umalis si Isagani sa harap ko. Sa may itaas ng refrigerator ng tindahan ay may kinuha siyang isang brown envelope.

Bumalik siya sa akin na dala ito. Kinuha niya ang papel sa loob at inabot sa akin. Agad ko naman tinaggap.

"Basahin mo iyan, Kristina." sabi niya.

Hindi ko alam ano ang meron sa papel na ito. Kaya binasa ko na rin ang papel na naka-print pa. Sa pagkakabasa ko sa sulat. Laking gulat ko na isa itong resignation letter.

"Ano ito Isagani?" mabilis na tanong ko.

Pagbalik nang paningin ko sa kanya ay kalmadao lang ang expresyon ng mukha niya. Alam kong resignation letter ito pero guguluhan ako na bakit aalis siya magandang trabaho niya. 

"Aalis na ako sa trabaho ko." sagot niya.

"Bakit? ayaw mo na bang magtrabaho? Anong dahilan mo?"

Kinababahala ko ay baka kaya siya aalis sa trabaho niya ay dahil sa akin. Baka may kinalaman iyon sa naging issue ng relasyon namin dalawa kaya ayaw na niyang bumalik doon.

Be My BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon