Chapter 39- Faithful

22 4 1
                                    

Pumulupot pa ang dalawang braso ko sa batok niya. Sa ginawa kong iyon ay naglakbay pa ang dalawang palad niya sa balangkinitan na bewang ko at halos mabaon ang mga daliri niya sa higpit nang hawak niya roon.

Mas naging malalim pa ang pag-angkin niya sa labi ko. Ang mainit na labi ni Isagani ay tila unti-unti akong tinutunaw nito. Napahabol ako sa paghinga.

Kumalas ang labi ko sa kanya at tinulak nang bahagya para manumbalik sandali ang lakas ko. Natigilan siya kasabay nang dismayadong pagtitig niya sa aking mga mata.

“Why did you stop kissing me?” tanong niya.

“Hindi kasi ako makahinga.”

“This will be your last time Kristina… kaya dapat lubos-lubusin mo na.”

“What?” napakunot noo ako.


Hindi na ako nakapagsalita muli dahil kinabig niya batok ko at inakin muli ang mga labi ko. Hinalikan ko siya ng pabalik na parang wala at nilasap ang sandaling nahalikan ko rin sa wakas si Isagani.

Sa bawat halik na pinagsaluhan namin ay tila hindi namin batid ang ingay mula sa lakas ng hangin at kidlat sa labas. Tanging ang emergency light lang ang nagbibigay liwanag sa aming dalawa.

Tinulak na ako ni Isagani sa sofa at pinahiga. Hinila ko magkabilang mangas ng damit niya palapit sa akin. Hanggang sa puntong napaibabaw na siya sa akin. Malumanay kong hinaplos ang pisngi ni Isagani at pinagpantasyahan ang napagandang mukha nito. Nilasap ang bawat sandali na nagtama ang mga mata naming dalawa habang nakahiga ako sa sofa.

Puminta ang lungkot sa mukha niya. “I think this is wrong Kristina.”

“Isagani… Hindi mo naman ako pinilit, diba? Kagustuhan ko rin ito.”

Muling malumanay na hinalikan ni Isagani ang labi ko. Sinabayan ko rin ang halik niya sa akin. Sa bawat sandaling iyon ay parang ayoko nang matapos ito. Ramdam kong ginagawa niya ito sa akin dahil mahal niya ako. Bumababa pa ang labi niya sa leeg ko at ramdam ko ang pag-araro ng dila niya roon. Sinabayan ko nang mahinang pagsabunot ko sa buhok niya.

“Gani…” anas ko.

“Ang bango mo, Kristina.” bulong niya.

Nasa kalignaan na kami ng kaligayahan nang makarinig kami ng malakas na katok sa pintuan. Natigilan kaming dalawa ni Isagani sa ginawa at sabay na nagtama ang mga mata namin sa ingay na iyon. Napalunok kaming dalawa.

“Ate Tina! nandyan kaba?” boses ni Mitang.

“Ate Kristina!” sigaw ni Juan.

Shit! Mga panira ng moments namin ni Isagani ang dalawang ito. Mabilis na tumayo si Isagani at inayos ang damit nito. Napilitan din akong tumayo at umalis sa sofa na agad kong inayos ang gumulo kong buhok.

“Sorry Kristina sa nagawa ko.”

“Don’t say sorry, kagustuhan ko ito.”

Bumakas na ang pintuan ng kwarto ko. Bumungad sa amin ang kapatid kong si Sushmita na may hawak ng flashlight kasama si Juan. Nadatnan kami ng dalawa na magkaharap na nakatayo kaming dalawa ni Isagani.

“Oh! May kasama ka pala Ate Kristina!” gulat na sabi ni Mitang.

“Kuya Isagani, bakit ka nandito sa kwarto ni Ate Kristina?” tanong ni Juan.

Nagkasulyapan muna kaming dalawa ni Isagani. Nanatili naman akong tahimik. Napasinghap si Isagani sandali at naglakad palapit sa kina Sushmita.

Be My BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon