Chapter 50- Desisyon

8 2 0
                                    

                                                                                                                                                                                             

Gamit ang motor ni Isagani ay mabilis akong nakarating dito sa may Muntinlupa kung saan nakapiit si Franzon na balak kung bisitahin. Nagpumilit siyang ihatid ako dito kahit na balak ko ay mag commute para hindi na siya maabala. Bumababa na ako sa likuran ng motor niya at agad na binalik ang helmet sa kanya.

"Mag-ingat ka sa loob," bilin ni Isagani matapos niyang tanggalin ang suot niyang helmet.

Huminga ako nang malalim bago magsalita. "Dapat hindi kana sumama sa akin. Magiging okay naman ako sa loob," sabi ko.

"Nag-aalala lang ako."

"Para saan?"

"Baka di ka makauwi nang ligtas kapag wala kang kasama. Kilala ko rin ang mga tauhan ni Franzon, Kristina."

Masyado siyang maaalalahanin si Isagani. Kung tutuosin ay hindi naman ako magtatagal sa loob. Matagal ko na rin hindi nakikita ang mga tauhan ni Franzon.

"Alam ko rin 'yon. Hindi na gagawin ni Franzon na makidnap ako. Kalimutan na natin 'yon."

Naging kalmado ang ekspresyon ng mukha niya sa sinabi ko. "Sige, maghihintay ako dito hanggang makalabas ka."

"Teka. Hindi ka sasama sa loob? Ayaw mong makita si Franzon?" tanong ko.

Para saan pa kung sumama siya sa akin kung hindi siya sasabay na pumasok sa loob. Alam kong hindi maganda ang naging samahan nilang dalawa dahil si Isagani ang dahilan kung bakit nakulong si Franzon. Pero matagal na iyon at pinagsisihan na rin Franzon ang mga nagawa niya. Inamin niya iyon sa akin.

"Gusto kong makausap si Franzon, Kristina. Pero hindi na muna ngayon, Tsaka na kapag kami na lang dalawa at wala ka."

Kung sabagay kapag nakita kami ni Franzon na magkasama ni Isagani ay baka ikaselos pa niya ito. Kilala ko si Franzon kahit babaero ang lalaking iyon ay napaka seloso. Yun din ang dahilan kung bakit naghiwalay kaming dalawa nang magselos siya sa kaibigan kung si Luigi.

Mabuting wag na siyang sumama sa akin sa loob si Isagani. Napatingin ulit ako sa kanya habang inaayos ang shoulder bag ko na may dalang pasalubong para kay Franzon.

"Hindi ka magseselos kung mag-usap ulit kami ng ex ko sa loob?" biglang tanong ko bago ako tuluyang umalis sa harap niya.

"Hindi ako seloso Kristina." kalmadong sagot niya.

"Talaga? Tatlong oras ako doon. Baka magpamasahe pa si Franzon doon sa akin sa loob."

"Alam kong hindi mo gagawin 'yon Kristina sa akin."

"Paano ka makaka siguro?"

"Because I trust you, Kristina. Wala akong nakikitang dahilan para magselos."

Ngayon malinaw na sa akin kung bakit hindi seloso lalaki si Isagani. Hindi dahil sa hindi niya ako mahal. Iyon ay dahil may tiwala siya sa akin.

Siguro ay titigilan ko na simula ngayon ang mga gano'n tanong. Kung pinagkakatiwalaan niya ako ay dapat gano'n din ako sa kanya. 

Mahinhin akong ngumiti sa kanya at ganoon din siya. Nagpark na siya ng motor niya. Ilang sandali ay nagpaalam na ako sa kanya para bisitahin si Franzon sa loob.

"Bye... babalik agad ako." paalam ko.

Tahimik siyang naapatango.

Pumasok na ako loob para makapila. Nang nakapagpalista na ako at pinakita ang ID ko sa guard ay nakapasok na ako sa waiting area. Naghanap agad ako nang mauupuan. Nang makakita ay hinanda ko agad ang mga dala ko para kay Franzon dito sa may lamesa.

Be My BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon