Napalunok ako. Bumaling si Penelope sa katabi kong si Isagani na napalunok din katulad ko. Halos maghahanting gabi sa oras na ito pero bakit bigla siya sumugod ito dito si Penelope."Magsalita ka Gani! alam mo kung bakit ako galit ngayon." naniningkit ang mata niya kay Isagani.
Dalawang kamay ni Isagani ang sabay na napataas kasabay nang pag-alala sa mukha.
"Alam ko naman 'yon, huminahon ka Penelope, Relax."
"Paano ako hihinahon? Akala ko ba magakaibigan tayo?" nakapamewang na si Penelope.
"Sasabihin ko na sana sa'yo pero nag-iinuman pa kasi kami."
Sasama na ako sa usapan nila para matulungan si Isagani. Lalo't ngayon ko lang nakita si Penelope na galit na galit sa kaibigan.
"Pen, ano'ng problema?" tanong ko.
"Kasi itong si Isagani, hindi sa akin sinabi na dumating na pala si Cromwell galing Australia." sagot ni Penelope.
Naaalaala ko ang pag-alis ni Cromwell sa usapan namin kanina para magbanyo.
"Si Cromwell ba, nandoon sa loob nagba-banyo. Kasama namin ngayon sa inuman." sumbong ko.
Nanlaki ang mata ni Penelope. Tila bahagyang siyang nagulat sa sinabi ko.
"Saan banda Kristina?"
"Doon." turo ko sa loob ng bahay nila Isagani.
Napayukom ng kamao si Penelope habang nakatingin sa loob ng bahay. Inirapan niya si Isagani sandali bago umalis.
"Humanda ka Cromwell!" padabog na sumulong si Penelope sa loob.
Tulala ako sa pag-alis ng babaeng iyon. Bakit ganoon nalang kagalit na galit si Penelope kay Cromwell? Matagal na silang magkakilala. Kung iisipin ay parehas silang Agriculture student noon sa ECU.
"Bakit ka nagsumbong Tina, kawawa si Cromwell Kay Penelope."
"Huh? May atraso ba si Cromwell kay Penelope?" takang tanong ko.
Ilang sandali ay tumatakbo na si Cromwell palabas ng bahay habang sinusundan siya ni Penelope. Nagkita-kita na kaming apat dito sa labas.
Sina Mitang, Juan at dalawang kaibigan nila ay naki-usyoso sa awayan nilang Cromwell at Penelope.
"Magpaliwanag ka Cromwell!" galit na Penelope na nakamewang ang dalawang kamay.
"Penelope, Let me explain, sumama ka sa akin, wag tayo dito."
"Sa tingin mo, sasama pa ako pagkatapos ng lahat?"
Hinawakan ni Cromwell si Penelope sa kamay. Napansin kong may kaunting luha na sa mga mata ni Penelope. Something fishy, parang love quarrel ang nangyayari sa kanilang dalawa.
"Promise, this time babawi ako." hinila na niya ito palayo sa amin.
Pumunta sila sa likod ng bahay nila Isagani. Hanggang mawala na ang dalawa sa paningin ko. Napabuntong hininga si Isagani na napatingin sa akin.
"Wag kang magtaka kung makita silang mag-away ulit."
"Ano bang problema nilang dalawa? May kasintahan ba sila?"
"Wag mo nang alamin, matulog kana."
"Sabihin mo na... curious ako."
Hinawakan ni Isagani ang dalawang balikat ko. Tila pinalalakad na ako palabas ng bakod nila. "Uuwi na kita sa inyo."
BINABASA MO ANG
Be My Baby
Roman d'amourSi Kristina Seno ay nagbabalik sa pag-aaral matapos ang apat na taon na pagkakahinto nito sa Kolehiyo. Kahit kapos sa pera ay gagawin niya ang lahat para lang matutusan nito ang pag-aaral ng mag-isa. Anong gagawin niya kung magkita ulit sila ng lal...