Tinanghali na akong nagising dito sa dorm. Medyo napuyat ako sa naging chat namin dalawa ni Isagani bago ako natulog kagabi. Nang maka-uwi siya sa condo galing sa paghatid sa akin. Napag-usapan namin ang tungkol sa bank account ko.
Nagkasundo kaming dalawa nasa account ko na lang siya ibibigay ang magiging allowance ko sa pag-aaral ay mga ibang kakailangan ko. Nahihiya talaga ako sa kanya pero gagalingan ko nalang sa Santiago kapag nagkita kaming dalawa.
Shit! Sa totoo lang ay excited na talaga akong maramdaman ang masahe niya.
“Ate Kristina, kape tayo,” yaya ni Marian.
Nakaharap na siya sa lamesa at umiinom ng kape. Kasama niya sina Loren at Rona.
“Sige, mamaya na ako.”
Tinatamad pa akong bumangon. Iniisip ko ngayon na sana ay hindi na magkabalikan si Isagani at Clarisse. Kung totoo ang sinabi ni Isagani na magkaibigan lang sila. Sana ay hanggang doon na lang. Ayokong maging kaagaw ang babaeng iyon lalo magkakilala kaming dalawa ni Clarisse.
KINABUKASAN ay nagkita kami nila Hannah at Hubert dito sa freedom park. Wala kaming pasok kay Isagani dahil may meeting daw lahat ng taga-faculty kaya tumambay muna kami dito. Nandito kaming tatlo sa bench naka-upo at nag-uusap sa may ilalim ng puno ng acasia. Sinabi ko na rin sa kanilang dalawa ang tungkol sa paghinto ko sa trabaho at napagkasunduan namin dalawa ni Isagani.
“Sigurado ka niyan Kristina… pumayag ka?” gulat na Hubert.
Napatango ako. “Oo, kasi siya naman ang may gusto na huminto na ako magtrabaho sa club.”
“Alam na ba ng pamliya ninyo ‘yan?” tanong ni Hannah.
“Hindi pa… kasi kagabi lang namin napag-usapan,” sagot ko.
“Miss K, hindi mo na isip para mo na siyang sugar daddy si Sir Isagani?” tanong ni Hubert.
Tumaas ang isang kilay ko. “Hindi naman, wala naman kaming relasyon dalawa at hindi naman matanda si Isagani diba? Wala siyang asawa... tsaka ‘yong pera na ibibigay niya sa akin. Hindi naman sa luho ko mapupunta. Walang kapalit ang pagtulong niya sa akin.”
Sa mga kwento ko sa kanila ay ‘yong tungkol lang sa naging kasunduan namin ni Isagani na siya ang gagastos sa akin pag-aaral… pero yung kapalit na masahe na balak namin gawin ni Isagani sa Santiago ay gusto kong manatiling maging lihim iyon. Kung sabagay ay hindi naman ako pinilit ni Isagani sa bagay na iyon. Kagustuhan ko iyon.
“So hindi kana mapupuyat niyan sa kakatrabaho, Miss K?” si Hubert.
“Hindi na, ayaw na niyang mangyari na magkasakit ulit ako… Siguro babayaran ko siya kapag nakatapos na ako at may trabaho. Kung sabagay magkapitbahay naman kaming dalawa.”
“Pwede din, bayaran mo hulogan. Uso na ‘yan ngayon. Isipin mo na lang na Educational loan mo ‘yong tulong ni Isagani,” si Hannah.
Napatango-tango si Hubert. “Oo nga, Miss K… parang study now, pay later.”
Sa sinabi niya ay sumang-ayon din ako. Siguro ay maswerte akong natulungan ako ni Isagani pero dapat ay hindi ko iyon sayangin at abosuhin. Sisigurohin kong lahat ng gastos ni Isagani sa akin ay may mapupuntahan.
“Feeling mo… meron bang gusto si Sir Isagani sa’yo Kristina?” tanong ni Hannah.
Napabuntong hininga ako. “Minsan naiisip kong may gusto siya sa akin… pero sabi niya hindi siya pumapatol sa kapitbahay.”
“Baka ayaw niyang pumatol ngayon dahil studyante ka pa niya?” si Hubert.
“Naku, dati ko pa siya nalalandi noong hindi pa niya ako studyante… pero ayaw niya talaga.”
BINABASA MO ANG
Be My Baby
RomanceSi Kristina Seno ay nagbabalik sa pag-aaral matapos ang apat na taon na pagkakahinto nito sa Kolehiyo. Kahit kapos sa pera ay gagawin niya ang lahat para lang matutusan nito ang pag-aaral ng mag-isa. Anong gagawin niya kung magkita ulit sila ng lal...