Chapter 49- Pangako

13 2 1
                                    


Dito sa kusina ng bahay ay nakangiti akong nagpaalam habang hawak ang tinapay na ensemada sa harap ng video camera. Ang kapatid kong si Sushmita ang assistant ko sa buong Vlog ko na siyang kumukuha ng video ko.

“Thank you for watching guys. Please don’t forget to like and subscribe.” Huling sabi ko.

“Okay, Cut na Ate! Pwede na,” sabi niya sabay pindot sa camera nito.

Agad din niyang pinatay ang ilaw ng ring light sa harapan ko. Nang natapos na kaming magrecord sa vlog na gagawin ng kapatid ko para sa akin ay nakahinga rin ako ng maluwang. Halos inabot kami ng limang oras para gawin ang video na iyon.

Nakakapagod mag-masa ng gagawing tinapay kanina. Mabuti ay sakto lang ang dami ng ginawa ko. Since tapos na kami sa vlog ay kinain ko na ang ensemada na hawak ko. Kung sabagay ay ako naman ang nag-bake nito.

First time kong gawin ito. Nakakapagod pero na enjoy ko ang bawat sandaling iyon. I’m sure na masusundan ko pa ang Vlog na ito.

Nang malasahan ko ang tinapay na gawa ko ay worth it din pala ang pagod ko. Kanina sa video ay si Nanay Magdalena ko lang ang pinatikim ko. Akala ko ay binobola lang ako ni Nanay na masarap ang bake ko. Totoo talaga ang sinabi niya tungkol sa luto kong ensemada.

“Ikaw na bahala mag edit niyan,” sabi ko kay Sushmita.

“No problem Ate. Summer naman ngayon kaya may time akong mag edit ng video mo.”

“Edit mo mukha ko, dapat maganda at sexy ako.”

“Di na kailangan edit mukha mo Ate, maganda at sexy kana.” Compliment niya.

Ewan ko ba at bigla akong napangiti sa sinabi ni Sushmita.

“Nambola ka pa, kutosan kita dyan eh.” Actually ay kinilig din ako sa sinabi niya.

“Totoo naman huh… Diba Kuya Isagani?” biglang tanong ni Sushmita kay Isagani na kanina pa tahimik at nanonood sa pagawa ng vlog namin dito.

Si Isagani ang nag-assist sa akin. Siya rin ang gumastos sa mga ingredients ko dito sa vlog, taga-ayos ng ring light, taga-punas ng pawis ko at taga bigay ng tubig.

“Oo Sushmita, Your sister is pretty and sexy as always.” nakangiti niyang sagot sabay tingin sa mga mata ko.

Nang marinig ko iyon ay mahinhin akong ngumiti. Kung wala lang talaga dito sa bahay si Nanay at Sushmita. Hinila ko na agad si Isagani sa kwarto ko para unahin ko na siya sa honeymoon. Bolero rin itong si Isagani.

“Uy, kilig na yan sa Ate,” nakangiting tukso ni Sushimita.

Hindi na ako nagsalita pa. Nagbukas ako refrigerator at kumuha ng isang bottle ng mineral water. Nang naka-inom ako ay lumingon na ako sa kanya.

“Basta, Ikaw na bahala sa account ko, buksan mo lang ang laptop ko. Doon ka mag-upload sa kwarto.”

“Anong ipapangalan ko sa account ko Ate?” tanong niya.

“Kristina Vlog lang.” sagot ko.

“Ang boring ng pangalan, Ate. Wala bang iba,” reklamo niya.

Pati pa name ng account ko ay kailangan ko pang problemahin. Wala rin akong maisip na magandang name sa vlog kong sisimulan. Ang alam ko lang gawin ay ang magbake, kumain at magpa-cute sa camera. Napalingon ako kay Isagani.

“Any suggestion baby boy?” tanong ko sa kanya.

Napa-isip si Isagani. Napatingin pa siya sa mga ensemada. Alam kong may maiisip siyang pangalan dahil kanina pa siya tumutulong sa akin. Siya rin naman ang nag motivate sa akin na gumawa ng vlog.

Be My BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon