Chapter 46- Graduation

31 6 6
                                    


Malapit na maghating gabi kaya nagpasya na kaming umuwe ni Isagani. Palabas na kami ng peryahan para mag-abang ng tricycle. Habang naglalakad ay mahigpit niyang hawak niya ang aking kamay.

"Ang lamig ng kamay mo baby, giniginaw kaba?" tanong niya.

"Medyo, pasensya na kung naka-sleeveless lang ako. Namamadali kasi akong pumunta dito."

Natigil kami sa paglalakad. Napasinghap siya.

"Ikaw na magsuot nito," sabi niya.

Hinubad niya ang jacket na suot at dahang-dahang pinasuot sa akin. Sa pagkakataong ito ay medyo hindi na ako nakaramdam ng lamig dahil sa suot kong jacket.

"Thank you," sabi ko.

Ngumiti siya kaya lumitaw ang dimple niya sa pisngi. Sa nakita kong ngiti ni Isagani ay parang natutunaw ang puso ko kasabay na makikinang niyang mga mata habang nakatingin sa akin. Ang gwapo talaga ng boyfriend ko at ang gentleman pa. 

"Kahit na ano'ng suotin mo Kristina, ang ganda-ganda mo pa rin." compliment niya sa akin.

"Sinabi mo lang dahil girlfriend mo na ko."

"No... Sinasabi ko dahil 'yon ang totoo. Kaya nung may nanliligaw sa iyong ibang lalaki. Nasasayangan ako na baka hindi kita maging girlfriend."

Napangiti ako. Kinilig ako sa pagtatapat niya sa akin. Ngayon ko lang ulit naramdaman na may mag-appreciate sa akin. Kaya pala ganoon nalang siya bumantay sa akin nung panahong bumisita sa akin si Ronnie sa bahay. Natatakot siyang makuha pa ako ng ibang lalaki. 

Kahit sa bagay na iyon ay hindi niya ako binitawan. Natigilan ako sandali at napa-isip. Bumalik sa alaala ko ang tungkol sa namato sa bubong ng kwarto ko.

"Teka, ikaw ba 'yong namato sa bubong sa kwarto ko?" mabilis kong tanong.

Pilit siyang ngumiti sa akin. "Sorry Kristina. Kung nagawa ko iyon."

"Bakit mo naman ginawa 'yon?"

Hindi ko akalain na nagawa iyon ni Isagani.

"Nakita ko kasi si Ronnie nahahalikan ka niya. Kaya humingi agad ako ng bato kina Juan at Mitang sa ibaba para ibato sa bubong mo."

"Ganyan kaba magselos Isagani. Namamato ng bubong?" gulat kong tanong.

"Hindi ako seloso, Kristina."

"Weeh? Mapupunta sa empyerno ang taong nagsisingungaling, Isagani."

"Oo na, pero slight lang." mabilis niyang amin.

Umamin din siyang medyo seloso siya. Napangiti nalang ako at napailing. Wala naman sa akin ang pamamatong ginawa niya. Actually ay halos nalimutan ko na rin ang bagay na iyon. Nagpapasalamat nga ako dahil hindi ko naging boyfriend si Ronnie. Muntikan na akong maging kabit dahil sa lalaking iyon.

Habang kaharap ko si Isagani ay napagtanto kong ang lalaking ito pala ang nakalaan sa akin.

"Bakit ako Isagani? Alam mo naman na hindi na ako buo sa'yo. Okay lang ba sa'yo iyon?" Biglang humarang na ang hintuturo ng daliri niya sa labi ko.

"Tinatanong ko ba iyon? Importante pa ba iyon? Wala akong pakialam kong ibang lalaki na ang nakauna sa iyo. Mahalin mo lang ako Kristina, sapat na iyon sa akin." sinsero niyang sabi.

"Thank you Isagani at naiintidihan mo ko. Minahal ko naman talaga ng totoo ang mga dating boyfriend ko pero niloko lang nila ako." pagtatapat ko pa.

Since magkarelasyon na kaming dalawa ay ayoko ko nang maglihim pa sa kanya. Sa lalaking nakilala ko ngayon ay siya lang ang mapagkakatiwalaan ko.

"I understand you Kristina... Kasi maski ako ay biktima rin ng panloloko. Remember, Clarisse cheated on me."

Be My BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon