Chapter 31- Karapatdapat

23 4 0
                                    

Nagpasya kami ni Isagani na tumilig na sa paglalaro ng online games. Parehas nang nalowbat ang cellphone namin kaya nanonood na lang kaming dalawa ng movie habang hindi pa dumarating ang kasama ko dito sa bahay. Tsaka na raw siya uuwi kapag may kasama na ako.

Natutuwan naman ako na samahan niya ako. Ewan ko ba kung nag-iilusyon lang ako. Kahit na hindi nagsasabi itong si Isagani na gusto niya ako. Sa bawat pagbibigay, pag-aalala at kabaitan niya sa akin. Ramdam kong parang nililigawan niya na rin ako.

 
Isang ingay sa gate ang narinig ko mula sa labas na parang may kumakatok. Madilim na sa labas ng mga oras na iyon at tanging maliit na poste ng ilaw ang nagbibigay liwanag ng mga oras na iyon. Sa sala ay tumayo ako para silipin sa bintana kung sino ang kumakatok sa labas. Nakita ko agad si Ronnie na nakatayo roon.

“Kristina!” tawag niya.

Napatayo agad si Isagani nang marinig niya ang boses ni Ronnie. Mabilis din itong napasilip sa bintana.

“Kristina! mag-usap tayo!” sigaw ni Ronnie.

Akala ko ay hindi na ako nakalimutan na ako ni Ronnie. Nakuha pa niya ulit akong puntahan dito. Lumingon si Isagani sa akin.

“Hindi ka pa rin ba tinitigilan na ligawan ng lalaking ‘yan?” tanong niya.

“After nang pumunta tayo kina Hannah, hindi na ako nagkaroon ng komunikasyon sa kanya. Ngayon lang siya ulit nagpakita sa akin,” sagot ko.

Lumakas pa ang katok ni Ronnie sa gate. Sa ingay nito ay nagiging agressibo na siya na makapasok dito sa loob ng bahay ko. Mabuti nalang ay nandito si Isagani na kasama ko. Bago pa may makarinig na kapitbahay ay namamadali akong lumabas at nilapitan siya. Pinagbuksan ko agad siya ng gate.


“Kristina…” hingal na tawag niya.


Sa pagkakataong ito ay nagkaharap ulit kaming dalawa ni Ronnie. Napalunok siya na nagtama ang mata namin dalawa. Sa paglapit ko sa kanya ay agad din sumunod si Isagani sa akin. Kalmado itong nakatayo sa likuran ko.

“Ano bang pinunta mo dito Ronnie?” tanong ko.

“Kristina, mag-usap tayo. Let me explain,” sagot niya.

Napasulyap pa siya kay Isagani. Sa titig ni Ronnie ay parang ayaw niyang makita itong kasama ako.

“Wala na tayong dapat pag-usapan pa Ronnie, nakita ko na ang lahat sa’yo kaya umalis kana.”

“Hindi ako aalis dito kung hindi kita makakausap kahit sandali lang.”

“Alam ba ni Hannah na nandito ka?”

“Please, Kristina. Wag muna natin pag-usapan si Hannah, ang pag-usapan natin yung tayo.” napahawak siya sa kanan na kamay ko.

Pumiglas agad ako. Simula nang malaman ko ang katotohanan na may asawa na siya at niloko niya ako. Nawala na ako ng interest pa sa kanya. Mayaman nga siya tulad ng gusto ko sa isang lalaki pero manloloko naman siya. Sawa na ako sa lalaking palagi akong sinasaktan.

“Tama na Ronnie, ang pamilya mo nalang ang asikasuhin mo.”

“Pero Kristina, bigyan mo ko nang pagkakataon na magpaliwanag,” napatingin siya kay Isagani. “Yung tayo lang dalawa,” pakiusap ni Ronnie.

Napalingon ako kay Isagani. “Kausapin mo muna si Ronnie, wag kang mag-alala babantayan ko kayo,” sabi niya.

Bumaling ang paningin ko kay Ronnie. Bakas sa mukha niya na desperado siyang na makausap ako. Sa pagkakataon na ito ay pagbibigyan ko siyang kausapin ako. Alam kong hindi ako iiwan ni Isagani kung maging agressibo si Ronnie sa akin.

Be My BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon