Sa catering area ng kaarawan ni Penelope ay abala akong kumukuha ng pagkain para sa dinner. Nang makakuha at puno na ang plato ko ay umalis na ako para bumalik sa table nila Raine.
Sa paglalakad ko ay nakasalubong ko si Luigi na may hawak ring plato na puno ng pagkain.
"Kamusta na Kristina?" nakangiting bati ni Luigi sa akin.
"Oh! Luigi, akala ko hindi mo na ako papansinin." gulat na sabi ko.
Nahinto ako sa paglalakad upang makausap siya. Ilang buwan na rin ang nakalipas ng huling pagkikita namin dalawa. Kahit papaano ay namiss ko rin siyang kausap.
"Kasama mo kasi si Margarette kaya hindi ako makalapit kanina."
"Ahh..." kumuha ako ng balat ng litson sa plato ko at sandaling sumubo muna. "Ano bang problema ninyong dalawa? Nagbreak daw kayo?"
"Nagkatampuhan lang kaming dalawa." sagot niya.
"Hay naku, effort pa naman ako na magpanggap na girlfriend mo noon tapos magbre-break din pala kayo." dismayadong wika ko.
"Magkakabalikan din kami, Kristina. Susuyuin ko siya mamaya kapag tapos na siyang makausap ang lalaking iyon."
Sabay tingin niya sa dating nobyang si Margarette na kausap si Isagani sa hindi kalayuan sa kinatatayuan namin dalawa. Bahagyang lumungkot ang mukha ni Luigi habang pinagmamasdan ang dalawa na masayang nag-uusap.
"Selos ka kay Isagani?"
"Hindi."
"Bakit ang lungkot ng mukha mo dyan?"
"Wala."
"Anong wala? Wag mo kong pinagloloko Luigi, ano gusto mong gawin ko?" tanong ko.
Nagpanguya nguya ako ng balat ng litson habang kinakausap siya. Ramdam kong may problema ang lalaking ito kaya tinanong ko na siya. Willing naman ako tumulong dahil mabait na kaibigan itong si Luigi sa akin.
"Lumapit kasi ako kay Margarette kanina pero iniiwasan ako."
"Hindi pa siya handa kang kausapin, kaya ganoon yon." paliwanag ko.
"Eh paano kami magkakabalikan kong ayaw niya akong kausapin?"
Napasulyap ako kina Margarette at Isagani na nakatayo malapit sa pool area. Nadatnan kong nakatingin din si Margarette sa amin dalawa ni Luigi.
Napabuntong hininga ako at bumaling sa kausap kong si Luigi. "Pupunta ako doon, hihilain ko si Isagani palayo kay Margarette."
"Huh?" bahagyang litong mukha niya.
"Kausapin mo ex, okay."
Naglakad na ako at iniwan muna si Luigi dala ang plato kong puno ng litson at kanin. Nang makalapit na ako makaharap silang dalawa lumingon si Margarette sa akin.
"Anong pinag-usapan ninyo ng ex ko?" daling tanong niya.
"Sabi ni Luigi na ikaw daw ang pinaka maganda at sexy na babae sa balat ng lupa."
Natigilan siya at bahagyang namula ang magkabilang pisngi ni Margarette. Alminado akong nagsinungaling ako tungkol sa tunay na napag-usapan namin ni Luigi pero nasabi ko lang iyon para hindi niya ako pagselosan pa.
"Sinabi niya yon? Alam kong binubola niya lang ako." napanguso siya."Magkabalikan na kayo Margarette, lalapit siya dito. Mag-usap daw kayo." bumaling na ako kay Isagani at hinawakan ito sa braso. "Tara na, baby. Iwan natin silang dalawa ni Luigi para makapag-usap."
BINABASA MO ANG
Be My Baby
RomanceSi Kristina Seno ay nagbabalik sa pag-aaral matapos ang apat na taon na pagkakahinto nito sa Kolehiyo. Kahit kapos sa pera ay gagawin niya ang lahat para lang matutusan nito ang pag-aaral ng mag-isa. Anong gagawin niya kung magkita ulit sila ng lal...