Chapter 25- Monay

19 6 0
                                    

Nang naluto na ni Liam ang bulalo niya ay sabay-sabay na kaming nagtanghalian. Lahat kaming nakangiting kumakain dahil sa sarap ng niluto ni Liam. Isang nga talaga siyang chef namin ngayon. Ilang sandali nang salo-salo namin ay natapos din kami kumain.

Sina Hannah at Hubert ay bumalik sa living area para manood ng movie habang hinintay kaming dalawa ni Liam na naghuhugas ng plato. Dito sa kusina ay tinutulungan ako ni Liam para madali kaming matapos.

"Mabuti, afford mo Liam ang magrent ng condo." sabi ko.

Lahat nang sinabunan kong mga hugasin ay binibigay ko sa kanya para siya ang magbabanlaw dito sa harap ng lababo.

Bigla siyang ngumiti. "Hindi naman ako ang nagbabayad ng renta dito."

"Huh? Eh Sino?" tanong ko.

"Daddy ko." sagot niya.

"Daddy tawag mo? Sosyal, ano ka anak mayaman?" tumaas ang isang kilay ko.

"Sakto lang, may negosyong restaurant ang parent ko."

"Mayaman ka na pala, bakit nagtra-trabaho kapa?"

Nakakapagtataka lang. Sa kwento ni Liam ay medyo nagulat ako tungkol sa kanya. Palagi ko siyang kasama pero hindi siya pala kwento sa pamilya niya. Kung kausap ko pa ang lalaking ito ay sobrang humble. Hindi ko akalain na may kaya pala sila sa buhay.

"Nagkaroon kasi ako ng kasalanan." bahagyang napadungo siya.

"Ano'ng kasalanan?" muli kong tanong.

"Nabangga ko kasi ang kotse ni Dad last year kaya yung allowance ko sa college. Hindi na niya binigay as punishment. Kaya ito kailangan kong magtrabaho para may pang allowance ako dito." kwento niya.

Napangiti ako. "Kawawa ka naman, bakit mo ba kasi binangga?"

"Nalasing kasi ako nun. Hindi ko rin naman sinasadya," natatawang sabi niya.

"Sa susunod mag-ingay ka sa pagmamaneho Liam, kung di mo binangga yung kotse. Hindi ka sana nahihirapan magtrabaho."

"Hayaan mo na, masaya naman ako sa trabaho ko."

"Kaya nga," sang-ayon ko.

Kahit na nahihirapan na kami sa nakakapuyat sa pagtra-trabaho sa club. Minsan nakakalimutan namin yung pagod dahil lahat kami sa work ay nagkakaintindihan at nagkakasundo.

Sa pag-uusap namin ni Liam ay hindi namin namalayan na natapos na pala kami sa paghugas ng plato. Ilang sandali ay binalikan namin sina Hannah at Hubert. Nang matapos namin panoorin ang movie ay bumalik na kami sa campus dahil may clase pa sila. Ako ay bumalik sa dorm para matulog dahil may work pa ako sa gabi.

GABI ng duty ko sa club ay tulad nang inaasahan ko ay pumunta muli ang dating kong boyfriend na si Ronnie. Nag-order na siya ng beer at syempre kasama ako sa request niya. Sa tulong ni Barbie ay napalitan ako ni Karen sa cashier area pansamantala.

Dala ang order na beer ay malayo palang ay nakangiti na si Ronnie sa akin. Pagkalapit ko sa kanya ay bumeso agad siya sa akin.

"Good evening Kristina," bati niya.

"Good evening din," bati ko rin.

"Have a seat." alok niya.


Dahan-dahan kong nilapag muna ang beer sa maliit na lamesa bago ako tumabi sa kanya sa pag-upo. 

"Ang aga naman nang punta mo dito," nakangiting bungad ko.

"Namiss kasi kita," nakangiting sabi niya rin. Mula sa gilid ng inuupuan ay kinuha ni Ronnie ang isang bouquet ng bulaklak at isang box ng chocolate. "For you Kristina,"  pormal niyang wika sabay bigay nito sa akin.

Be My BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon