Chapter 44- Desperado

20 4 0
                                    


Naglalakad ako mag-isa papuntang HRM building ay nakita ko si Liam na nakatayo sa announcement board. Sa pagdating ko ay saktong napalingon siya sa akin. Ngumiti siya nang makita ako at kumaway. Ilang sandali lang ay agad siyang lumapit sa akin.


"Kamusta na Kristina? ready kana ba sa exam natin sa final?" tanong niya.


"Ready na ako, Liam. Naka-review naman ako kagabi." sagot ko.


"Mabuti... Sure na pasado na tayong dalawa." nakangiti niyang wika.



Biglang pumasok ulit sa isip ko ang text na natanggap ko kaninang umaga. Since si Liam, Hannah at Hubert ang kasama ko sa kabilang condo. Wala akong ibang masuspetsahan kundi silang tatlo. Kanina pa gumugulo ito sa isip ko kaya mabuting tanungin ko rin sa kanya.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bag. Nang nakuha ko na ito ay binuksan ko ulit ang message. Lumingon ako sa kanya para iabot ang phone at pinakita ang picture na natanggap ko. Tinignan niya rin ito. Namugay ang mata niya.


"Nakatanggap ako ng message kaninang umaga... May alam kaba dito?" tanong ko.


Bahagyang napaawang ang bibig niya. "Wala Kristina... Teka! May relasyon na ba kayo ni Sir Isagani?"


"Wala kaming relasyon Liam... pero sa picture na ito, aminado akong inakit ko siya para halikan ako. Ang ikana-iinis ko lang ngayon ay sino ang kumuha sa amin ng litrato."


"Kristina, hindi ako ang kumuha ng picture na 'yan. Actually ay ngayon ko nga lang 'yan nakita." mariin niyang wika.


Habang pinagmamasdan ko ang mga mata ni Liam ay kitang-kita ko na nagasasabi siya ng totoo. Napaisip ulit ako.


"Hindi kaya sina Hannah at Hubert ang nagpicture nito?" tanong ko.


"Kristina, Bakit ka naman nila kukunan kayo ng picture? Nakausap mo na ba sila?"


"Hindi pa kami nagkikita."


"Basta ang naaalala ko ng gabing iyon ay galing ako kusina dala ang mga pulutan. Pagbalik ko sa sala ay nakita kong wala kana roon at hindi mo na kasama sina Hubert at Hannah... Nag-alala ako kaya sabay kaming lumabas para hanapin ka. Nang napunta kami sa harap ng condo ni Sir Isagani ay medyo bukas na ang pintuan. Nakita namin na nag-uusap na kayo ni Sir Isagani nang sabay namin kayong makita." kwento niya.


Naguguluhan ako kung maniniwala ako sa sinabi niya lalo na sa malakas ang kutob kong isa sa kanila ang kumuha ng picture. Ang tanging naiisip ko ay walang kinalaman si Liam dito. Nagtataka lang ako dahil alam nila Hannah at Hubert na may gusto ako kay Isagani. Wala akong maisip na dahilan para gawin ito.




MAAGA akong pumasok sa schedule ni Isagani. Pagdating ko sa room ay nandoon na si Hubert na nakaupo sa upuan niya. Lumapit ako sa kanya na agad na ngumiti na makita ako.


"Hi Miss K... ang aga mo ngayon." bati niya.

Tinabihan ko na siya sa pag-upo. Hawak ang phone ay pinakita ko sa kanya ang litrato namin ni Isagani na natanggap ko.


"Hubert, may alam kaba dito?"

Napaawang ang bibig niya at namugay ang mata. Inagaw niya ang phone ko.


"Ano 'to Miss K? Saan galing ang picture na ito?" gulat na tanong niya.


"Tinatanong ko kung kanino galing ang picture na 'yan baka kasi may alam ka."


"Hindi ko alam... ito ba 'yang pumunta ka sa condo ni Sir Isagani?"


"Oo... yung nag-iinuman tayo. Hindi si Liam... kaya kayo nalang dalawa ni Hannah ang suspetsa ko ang kunuha ng litrato na ito." nag-aalalang wika ko.



Be My BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon