Chapter 32- Lagnat

21 5 0
                                    

Nang tuluyang umalis na si Ronnie ay nakatinginan kaming dalawa ni Isagani. Kasabay nun ay nagbitiw na kami ng pagkakahawak sa kamay. Bahagyang dumungo ako dahil hindi ko alam kong paano uumpisahan ang usapan tungkol sa biglang sinabi niya na girlfriend na niya ako. Ayoko naman siyang pangunahan.


“Sana ‘wag mong seryosohin ang sinabi ko kanina Kristina,” pormal na sabi ni Isagani.

“Oo, naiintindihan ko iyon, Isagani. Alam ko naman na hindi ka papatol sa akin, diba?” pilit na ngiti ko.

“I’m your teacher and you’re my student. Alam mo naman na bawat magkaroon ng relasyon sa inyo. Kahit pa na magkasing edad lang tayo. Sana ay maintindihan mo ang sitwasyon, Kristina. Nasabi ko lang na girlfriend kita kanina para layuan kana ni Ronnie,” paliwanang niya.

Mabait akong napatango. “Naiintindihan ko Isagani, salamat ay pinagtaggol mo ko kay Ronnie kanina.”

Napabuntong hininga siya. “Kasalan ko ito, dapat yung umpisa palang ay sinabihan kita tungkol kay Ronnie.”

Bahagyang napaisip ako. “Ano’ng ibig mong sabihin?”

Huminga siya nang malalim bago nagsalita.“Noong umpisa palang may hinala akong asawa ni Ronnie, si Hannah. Nang minsan dumalaw ako sa bahay nila Hannah. Nakita ko ang picture ni Ronnie sa bahay niya. At first, nagdadalawang isip ako kung siya ba iyon o kamukha lang. Hindi ko rin natanong kay Hannah kung ano ang pangalan ng asawa niya. Kaya hindi ko na nasabi sa’yo dahil baka mali ang hinala ko na yung manliligaw mo nga iyon.”

Biglang bumalik sa alaala ko ang kwento sa akin ni Hubert na nakadalaw si Isagani sa bahay nila Hannah nang minsan nagkasakit ang anak nito. Ngayon ay malinaw na sa akin ang lahat. Naiintindihan ko ang paliwanag ni Isagani. Basta ang mahalaga ngayon ay tapos na ang ugnayan namin ni Ronnie at nakapag-usap na kaming dalawa.

Siguro ay lalayuan na niya ako simula ngayon. Kung magkaroon pa silang ng problema na mag-asawa ay labas na ako roon. Nagawa ko na ang dapat gawin. Ayoko nang makigulo. Ang importante ay ang priority kong makatapos na ng pag-aaral at magsimula muli ng tahimik.

“Wag mo nang isipin iyon Isagani, salamat ay hindi mo ko pinabayaan,” sabi ko.

Malumanay na hinaplos ni Isagani ang buhok ko. Banayad ang mukha niyang ngumiti.

“Hanggat ako ang kapitbahay mo… hindi kita pababayaan, Kristina,” mabait niyang wika.

Hinayaan kong haplosin ni Isagani ang buhok ko. Sa bawat tingin niya sa akin ay ramdam kong ayaw niyang mapahamak ako. Ramdam kong panatag at ligtas ako kapag kasama ko siya. Wala akong dapat na ikatakot kahit sa anong problema ang dumating sa buhay ko. Simula ngayon ay hindi na ako nag-iisa. 

Ilang sandali ay dumating na si Sushmita ang kapatid ko. Nang alam na ni Isagani na may kasama na ako sa bahay ay tsaka pa siya umuwi sa bahay nila. Nagbilin siya sa akin na sabay na kaming bumalik sa ECU bukas. Pumayag din ako sa gusto niya.



SA araw na ito ay HRM days namin kaya wala kaming pasok. Maraming event sa araw na ito. Bilang volunteer sa gagawing event dito sa opening ng celebration. Nandito ako sa harap ng stage sa loob ng Auditorium para mag-table skirting. Para sa uupuan ng mga bisita mamaya.

Ilang sandali ay malapit na rin akong matapos magdesign gamit ang pulang tela at pin sa lamesa. Nang huling tusok ko na sa pin ay tumayo na ako at huminga nang malalim.

Nang makita kong maayos na natapos ang ginawa ko ay nagligpit na ako ng mga pin na hindi nagamit. Pumalakpak agad si Hubert na kanina pa nanonood sa akin.

Be My BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon