Chapter 21- Customer

27 8 0
                                    

Gabi dito sa club ay nasa duty na ulit ako at kaharap ang punch-in machine. Ilang sandali ay lumapit sa akin ang nakangiting Barbie. Ang baklang boss ko dito sa club.

"Kristina, bigyan mo nga ako ng dalawang bote ng beer." sabi niya sabay abot sa aking ng isang libong piso.

"May kasama ba itong babae?" tanong ko.

Tinanggap ko ang perang inabot niya.

"Oo, Tina." mabait niyang sagot.

Nagpunch-in na ako. Binigay ko sa kanya ang sukli na tatlong daan. Kumuha na ako ng dalawang beer tapos nilagay ko agad sa tray. Bumalik ako kay Barbie para ibigay sa kanya yung order.

"Ito na po Madam Barbie." nakangiting sabi ko.

"Bakla, pwedeng ikaw na magbigay sa customer natin niyan."

"Huh? Diba cashier lang ako dito?" takang tanong ko.

Napasulyap si Barbie sa isang lalaki na nakaupo mag-isa sa seating area sa hindi kalayuan sa amin. Nakatingin din ang lalaki sa amin. Medyo madilim sa lugar na kinauupuan nito kaya hindi ko mamukhaan ang mukha nito.

"Bakla, Ikaw kasi ang request niya, tsaka kilala mo daw siya." bulong ni Barbie.

"Huh?" bahagyang napakunot noo ako.

Bumaling ulit ang paningin ko sa lalaking customer. Tumayo na ito at nakangiting kumaway sa akin. Nang mahagip ng liwanag ng disco light ang mukha nito. Unti-unting luminaw sa isip ko at biglang bumalik sa alaala ko ang nakaraan namin ng lalaking iyon.

Si Ronnie ang dati kong boyfriend noong highschool ako. Ano'ng ginagawa ng lalaking ito dito sa club?

"Ano Bakla? Ayaw mo? maghahanap na lang ako ng iba na pwedeng maka-table niya?" tanong ni Barbie. 

"Wag! ako na ang bahala sa kanya. Kilala ko siya, okay lang sa akin na maging table niya."mabilis na payag ko.

Ngumiti si Barbie. "Okay. Tatawagin ko si Karen para palitan ka muna dito."

"Yes, Madam." nakangiting sang-ayon ko.

Ilang sandali nang paghihintay ay dumating na si Karen. Kumalabit pa ito sa balikat ko nang makalapit sa akin.

"Hoy Kristina! ang gwapo ng ka-table mo at mukhang mayaman." may halong kiliti ang tinig niya habang ngumunguya ng bubble gum sa bibig.

"Ano naman kung mayaman?" natatawang tanong ko.

"Syempre... madatong," tumayo sa siya sa harap ng punch-in machine para palitan ako sa pwesto.

"Baliw... kakamustahin lang ako niyan." sabi ko.

"Balitaan mo ko, pagkatapos ninyo huh."

"Chismosa ka talaga, Karen." pabiro kong tinig.

Ngumiti na lang siya sa akin. Para hindi na ako matagalan sa usapan namin ay kinuha ko na ang order ni Ronnie. May customer na rin na lumapit kay Karen kaya nawala ang attension niya sa akin dahil naging abala na rin ito.

"Alis na ako Karen," paalam ko.

"Sige." lumingon sandali para sagutin ako. Bumalik din ang paningin ni Karen sa customer.

Umalis na ako dala ang order ni Ronnie. Napadaan pa ako sa likod ni Liam nang sandaling iyon na nasa Bartending area.


"Okay ka lang Kristina? Sabihin mo kung bastusin ka ng lalaking iyon." sabi niya.

Be My BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon