Isang mainit na haplos ang naramdaman ko sa kamay. Sa pagdilat ng mata ko ay isang mukha ng isang lalaki agad ang bumungad sa akin. Bakas sa mukha niya ang pag-alaala habang nakatingin sa akin. Walang iba kundi si Isagani.
“Kristina, ayos na ba ang pakiramdam mo?” tanong nito.
Hindi agad ako nakapagsalita. Nilibot ng paningin ko ang paligid ko. Naramdaman kong nakahiga ako sa puting kama. Sa kilid ng kama ko ay may nakatayo pang isang lalaki na nakaputi rin ang kasuotan na isang school nurse. Marahil nandito ako sa clinic.
“Okay na ang kalagayan niya, Sir Isagani. Ang kailangan niya lang ay kaunting pahinga,” sabi ng nurse.
“Salamat, sir Nurse,” sabi ni Isagani.
“Maiwan ko muna kayo.”
Umalis na ang nurse at lumabas sa puting kurtina na nakapaligid sa amin. Naiwan na lang kaming dalawa ni Isagani.
“Ano bang nangyari sa akin, Isagani?” tanong ko.
“Nahimatay ka kanina after ng class ko. Mabuti ay nahawakan kita kanina bago ka mawalan ng malay.”
Napaisip ako at inaalala ko ang mga nangyari. Bumalik sa alaala ko na sumasakit ang ulo ko at inaapoy lagnat kanina. Maayos na ang pakiramdam ko ngayon pero nanghihina pa rin at may kaunting sinat.
“I hate to say this Kristina, tulad nang napagkasunduan natin. Kapag nagkasakit ka ay hihinto kana sa pagtra-trabaho sa club.”
Napabangon ako bigla at napaupo dito sa kama. Napakunot noo ako.
“Hindi pwede iyon Isagani! sayang ang kikitain ko roon kapag huminto ako roon. Tsaka, pwede naman akong umabsent ng isang araw. Gagaling din ako sa lagnat ko,” paliwanag ko.
“I just really concerned to you, Kristina. Magkaibigan naman tayo… Ako na ang bahala sa lahat ng gastos. Sabihin mo lang kung magkano.”
“Thank you for your concern Sir, pero hindi ko kailangan ang tulong mo Isagani.”
“So babaliwalain mo lang ang kasunduan natin? bakit ba ayaw mong umalis sa club na ‘yon? I’ll give all the favor,” unti-unti nang lumalakas ang boses niya.
“Wag mo nang alamin, Isagani. Kaya ko pa naman magtrabaho.”
Natigilan siya sandali at sarkastiko napangisi. “Ano bang nagustuhan mo sa lugar na iyon? Baka may hinitintay kang ibang lalaki roon?”
“Nagtra-trabaho ako ng marangal doon Isagani. Huwag mo naman akong pag-isipan ng masama. Kung si Ronnie pa rin ang iniisip mo? ayoko sa kanya.”
Seryoso siyang bigla tumayo. Huminga nang malalim na parang nagpipigil ito nang galit.
“I was disappointed to you Kristina, hindi ka sumusunod sa usapan,”
“I’m sorry.”
Hindi na siya nagsalita. Naglakad siya ang umalis na sa dito sa loob. Pabagsak akong napahiga sa kama. Medyo naiinis ako kay Isagani dahil gusto niya akong umalis sa trabaho ko. Ngunit nalulungkot din ako ngayon dahil alam kong nagtatampo siya sa akin. Hindi ko na tuloy alam kung anong gagawin ko.
SA DORM ay hindi mapakali ang isip ko. Ilang beses na akong nagpaikot-ikot sa paghiga dito sa kama ko at malakas na nabuntong hininga. Hindi mawala sa isipan ko ang naging sagutan namin ni Isagani. May kutob akong nagalit siya sa akin.
Alam kong pumayag ako sa kasunduan na iyon noon. Ngunit hindi ko akalain na hahantong pa na mawawalan ako ng malay mismo sa harap niya. Gamit ang phone ko ay nagtext na ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Be My Baby
RomanceSi Kristina Seno ay nagbabalik sa pag-aaral matapos ang apat na taon na pagkakahinto nito sa Kolehiyo. Kahit kapos sa pera ay gagawin niya ang lahat para lang matutusan nito ang pag-aaral ng mag-isa. Anong gagawin niya kung magkita ulit sila ng lal...