Chapter 35- Old Picture

19 4 1
                                    

Sa pagkakataong ito ay nakapagbihis na si Isagani ng damit na white t-shirt at jersey short na pambahay niya. Hindi katulad kanina na nakaboxer shorts lang. Nang nakuha ko na ang mga labahin ni Isagani na gusto niyang ipalaba sa akin. Sabay na kaming bumababa sa hagdan dala ko ang basket.

“Nasaan na ba ang mga kasama mo dito sa bahay?” tanong ko.

“Pumunta sa palengke may binili lang sila ni Kuya Baldo at Ate.” sagot niya.

“Eh… si Juan?”

“Nagbabantay sa tindahan.”

Kaya pala wala siyang kasama dito sa loob ay dahil abala ang mga tao dito. Nang minsang napatinghala ako sa langit ay naisip kong maganda ang araw na ito para maglaba dahil sa maaliwalas ang panahon. Sa likuran ng bahay nila ay ilang sandali lang ay nag-umpisa ko nang nilabhan ang damit ni Isagani.

Habang kumukuso ako ng damit na may kasamang bula ay nakatingin sa akin si Isagani habang nagbubuhat siya ng maliit na barbell gamit ang isang kamay. Dumulas pa ang pawis niya sa pisngi at lumitaw din ang dimple niya.

“Uy… mahilig ka talaga Isagani, gumamit ng barbell huh.” sabi ko.

“High school pa lang ako, sanay na akong gumagamit nito.”

“Health conscious kaba? kahit na hindi ka maskulado ay gwapo ka pa rin, Isagani.”

“Gusto ko lang na malaki ang katawan ko… Dati kasi noong highschool ako ay palagi akong nabubully na payatot.”

Humalakhak ako. “Talaga?”

Bahagyang napakunot noo siya. “May nakakatawa ba sa sinabi ko?” medyong iritado niyang tono.

“Hindi ko lang kasi akalain na nabully ka pala.”

Hindi na siya nagsalita pa. Huminga siya nang malalim at umiling. Nagpatuloy siya sa pagamit ng barbell. Pinagpatuloy ko na ang paglalaba. Ilang oras lang ay natapos na ako at nagsampay rin. Umalis sandali si Isagani dahil maliligo pa siya.

Sa pagsasampay ko ng damit ni Isagani ay may matabang babae ang lumapit sa akin. Nanlaki ang mata niya na nakatingin sa mga sinampay ko.

“Kristina? bakit mo sinasampay ang damit ni Isagani?” tanong ni Aling Nena.

Marahil ay ngayon palang siya nakarating galing sa palengke.

Pilit akong ngumiti. “Ahh… may utang kasi ako kay Isagani kaya napag-usapan namin dalawa na babayaran ko siya ng paglalaba,” sagot ko.

Hindi ko sinabi ang totoo dahil baka kasi hindi pa nasabi ni Isagani ang tungkol sa pagpaaral niya sa akin. Ayokong pangunahan si Isagani lalo na siya pamilya ni Aling Nena.

“Gano’n ba… akala ko. Nagpra-praktis kanang maging asawa ni Isagani.” nakangiting sabi niya.

Mahina akong napahampas sa braso ni Aling Nena. “Hindi naman… magkaibigan lang kami ni Isagani.”

Sa totoo lang ay medyo kinilig din ako sa sinabi ni Aling Nena. Actually ay hindi nga ako nakaramdam ng pagod na labhan ang damit ni Isagani dahil masaya naman akong gawin iyon para sa kanya.

Ilang sandali ay nakita kong palapit na si Isagani sa amin galing sa loob. Bahagyang namugay ang mata ni Aling Nena.

“Aba! May nasabi itong kapatid kong si Isagani na gus--” naputol ang sasabihin ni Aling Nena dahil maagap na natabunan ng kamay ni Isagani ang bibig niya.

“Ate! hinahanap kana ni Kuya Baldo sa loob,” mabilis na sabi ni Isagani.

Napakunot noo at pinaghahampas ni Aling Nena ang kamay ni Isagani hanggang tanggalin sa bibig niya ang kamay nito.

Be My BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon