Sa kubo ay pinagmamasdan ko si Isagani na naghahati ng guyabano. Nang mahati na niya ito ay binigay niya sa akin ang malaking parte nito."Oh Tina, sa'yo 'to."
Inabot niya sa akin ang guyabano. Halos isang dangkal ang laki nito nang mahawakan ko.
"Gusto mo ba akong patabain, Gani?" pagalit na tanong ko.
"Mabuti yan sa'yo, para tumaba ka." nakangiting sabi niya.
"Ayokong tumaba!"
Hinati ko ang guyabano muli at binalik sa kanya. Nanlaki ang mata nito nang makita na niya ang prutas na nasa kamay nito.
"Ayaw mo talagang tumaba huh, natatakot kang iwan ka ng boyfriend mo?"
"Ano'ng boyfriend pinagsasabi?" takang tanong ko.
Kumagat na ako ng guyabano na binigay niya sa akin. Infairness masarap ang guyabano na ito. Sobrang tamis at sakto lang ang asim nito.
"Bakit wala ka pa rin boyfriend after years na hindi tayo nagkita?"
Napatanggal ako ng bara sa lalamunan ng isang beses. "Wala, busy ako sa buhay ko para maghanap buhay."
"Wala bang nanligaw sa'yo?" Kumain na rin siya sa guyabano na binigay ko sa kanya.
Nakakapagtaka itong si Isagani. Puro siya tanong sa akin. Interesado ba siya sa akin? Napachin-up muna ako bago nagsalita.
"Meron naman pero... hindi ko sila bet." sagot ko.
"Bakit hindi mo sila bet?" usisa pa niya.
"Kasi... ang bet kong maging boyfriend ay mayaman at may kotse." I said confidently.
Natigilan si Isagani at napababa sandali ang paningin niya. Napakurap ang mata niya ng isang beses. Ilang sandali lang ay bumaling din ito sa akin.
"Tulad ng ex-boyfriend mong si Franzon?"
Napangiti ako at naalaala ulit ang lalaking iyon. "Parang ganun nga."
"Pero matagal nang nakakulong si Franzon."
"Alam ko! malay mo makakita pa ulit ako ng katulad niya."
Bahagyang natawa si Isagani. "Katulad niyang mayaman pero manloloko rin?"
Sa sinabi ni Isagani ay may punto rin siya. Napabuntong hininga ako. Kahit may pagkabad boy at babaero si Franzon ay minahal ko rin iyon. Kahit paano pinasaya at may maganda rin kaming pinagsamahan ng lalaking iyon.
"Yung nga ang masaklap kay Franzon, hindi nakontento sa akin at pinangarap pa ang maraming babae. Mabuti na rin sa kanya ang makulong."
"Wag mayaman lang ang pangarapin mo Kristina, ang hanapin mo yung lalaking tatanggapin ka kahit ano pa ang nakaraan mo."
Napataas ang kilay ko. "Pinangarap kong mag-asawa ng mayaman Gani, pero hindi naman ako tamad." agap ko.
Mabait siyang napatango-tango at banayad ang mukha niyang nakatingin sa akin.
"Sana mahanap mo ang lalaking pinapangarap mo." aniya.
"Oo naman, think positive." napakagat ulit ako ng guyabano.
Napanguya-nguya ako sa harap ni Isagani. Kumain na rin si Isagani ng guyabano tulad ko. Ilang sandali ay umalis na kami sa kubo at nagpasyang mamasyal sa bakanteng lupain ng Hacienda.
Sa palakad-lakad namin ni Isagani ay maraming tutubi ang nakikita kong lumilipad sa paligid. Sa hindi kalayuan ay may mga batang lalaki nagpapalipad ng saranggola.

BINABASA MO ANG
Be My Baby
RomanceSi Kristina Seno ay nagbabalik sa pag-aaral matapos ang apat na taon na pagkakahinto nito sa Kolehiyo. Kahit kapos sa pera ay gagawin niya ang lahat para lang matutusan nito ang pag-aaral ng mag-isa. Anong gagawin niya kung magkita ulit sila ng lal...