Chapter 9- Masahe

32 7 0
                                    

Gusto kong pumiglas sa mga hawak niya sa braso ko pero sadyang malakas siya kaya hindi pa rin ako makagalaw. Habang pinagmamasdan ko ang mukha ni Isagani. Hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Tila seryoso siya na gusto niya na maramdaman ang service ko.

Parang wala na akong choice sa pagkakataong ito dahil bayad na ako at nagkasundo na rin kaming dalawa ni Barbie tungkol dito. Dahan-dahan ko nang pinikit ang aking mga mata.

"Sige Isagani, kung gusto mo ang service ko, gawin mo na ang gusto mong gawin sa katawan ko." lakas loob na sabi ko.

Tinimbang ko na ang lahat. Kung tutuosin ay hindi naman masaklap kong may mangyari sa amin dalawa dahil kilala ko naman siya. Tsaka hindi na siya magugulat sa akin dahil lagi ko naman siyang niyaya ng one night stand noon pa man.

Hindi naman siya pangit. Ang bango niya at macho pa. Kaysa sa ibang lalaki ang naging customer ko. Kung gusto niya talaga ang bagay na ito. Pagbibigyan ko siya.

"What?"

"Sige na! wag ka nang mahiya!" utos ko habang nakapikit pa rin ang mga mata ko.

"What are you talking about?" tila lito nitong tinig.

"Buhatin mo na ko! dalhin mo agad ako sa kama, maghubaran na tayo para matapos agad tayong dalawa."

"Tina... hindi y--"

"Gani, wag nang puro tanong! Kumilos kana, kalimutan mo nalang na magkapitbahay tayo." putol ko sa sasabihin niya.

"Teka lang!"

"Ano ba! puro ka teka!" naiinip na ako.

Ang slow naman ng lalaking ito. Parang mas lalo akong kinakabahan sa patanong-tanong niya. Gusto pa niya siguro na ako pa ang dapat kumilos sa amin dalawa.

Shit! Nakalimutan ko na virgin pa pala siya at wala pang experience. Minamalas nga naman! Wala akong choice dahil dapat ako pa gumawa ng first move.

Unti-unti ko nang dinilat ang aking mga mata. Nakita ko siyang nanatiling tulalang nakatingin sa akin. Naramdaman ko na lumuwang na ang hawak niya sa mga braso ko kaya pumiglas na agad ako. Sa pagkakataong ito ay tuluyan na niya akong nabitawan.

"Let's talk about this, okay Kristina. Calm down."

"Hindi uso sa akin ang calm down, Isagani. Kung gusto mo na talaga ang maramdaman ang service ko. Hubad na!" sabay tulak ko.

"Teka! Ano bang iniisip mo?" taka niyang tanong.

Inuubos talaga ng lalaking ito ang pasensya ko. Ang slow niya talaga kaya hindi kataka-taka na hanggang ngayon virgin pa rin siya.

"Wag kang kabahan mabilis lang to okay, Relax tatapusin na natin agad." mariin kong intindi ko sa kanya.

"Wala pa akong sinasabi Kristina, pagsalitain mo naman ako."

"Hindi mo na kailangan magsalita Isagani, ako na ang bahala sa lahat." mariin kong wika.

Hinawakan ng dalawang kamay ko ang dibdib niya at tinulak ng paulit-ulit dahilang umatras-atras din siya ng palayo sa akin. 

"Teka! Ano ba Kristina! Bakit kaba nanunulak?"

"Wag na tayong paligoy-ligoy Isagani. Ito naman ang gusto mo diba?"

Sa ilang beses na tulak ko ay pabagsak siyang napaupo sa malambot na kama. Tila natulala siya nang tuluyang mapaupo ito sa harapan ko.

Magkahiwalay ang hita ko na umupo ako sa gitnang bahagi ng katawan niya sa may bandang hita. Nakatingala siyang nakatingin sa akin na walang imik at pinagmasdan ang kabuohan ng mukha ko.

Be My BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon