Chapter 8- Service

45 8 1
                                    

Naghiwalay-hiwalay na kaming tatlo matapos nilang ituro sa akin ang gagawin. Sa harap ng punch-in machine ay doon ako nakatayo para mag-asikaso ng order ng drink. Madali lang ang trabaho sa cashier kaya natuto agad ako.

"Hi miss, bago ka pa lang dito?" tanong sa akin ng isang lalaking bartender.

Naka-gel at blonde ang buhok. Mestizo type of guy at mapula ang labi. Habang pinagmamasdan ko ang mukha niya ay tila mas bata siya sa akin. Sa paglapit niya ay amoy ko agad ang perfume niya.

Napataas agad ang isang kilay ko. Infairness ang bango niya. Sa lahat ng tauhan ni Barbie siya lang malapit sa kinatatayuan ko.

"Dati akong employee dito, ikaw yata ang bago dito?" nakangiting wika ko.

Bahagyang siyang ngumiti. "Three months pa lang."

"Sana magtagal ka dito, anyway ano pala ang pangalan mo?"

Since wala pang customer na lumapit ay may panahon pa kaming magpakilala sa isat-isa. Inilahad niya sa akin ang isang kamay.

"Call me William, Liam for short. HRM student sa ECU." pakilala niya.

What a coincidence! Parehas pa talaga kami ng course ng laking ito. Automatiko akong napangiti na mabilis na hinawakan ang kamay niya para makipa-shake hands.

"Kristina Seno, HRM students sa ECU. Graduating students." pakilala ko rin.

"Really? I've never seen you. Graduating din ako this semester."

"Huminto kasi ako, pero balik loob na ulit ako." paliwanag ko.

Natigil ang pag-uusap namin na may tumawag sa kanya na babaeng customer. Sa pag-balik niya sa pwesto nito ay dumami na rin agad ang babaeng cutomer na nag-order sa kanya ng cocktail drinks.

Ako ay naging abala na rin sa mga nag-order ng beer na customer na lalaki. Ilang sandali ay namamadaling lumapit sa akin si Barbie na malungkot ang mukha.

"Bakla! Pwedeng si Karen muna dyan?"

"Huh? Bakit?" takang tanong ko.

Naku! Biglaan akong kinabahan ako baka mawalan pa ako ng racket ngayon. Sayang din ang isang gabing sweldo ko dito kong papalitan lang ako.

"Yung tatlong customer doon." sabay turo niya sa tatlong matanda na nakatingin sa amin na nakaupo sa sa harap ng table. "Parang natipuhan ka Bakla."

"Eh ano naman kung natipuhan ako?" lumalakas na kutob ko na may mangyayaring hindi maganda dito lalo sa mga tingin nila sa akin.

"Bakla, one night stand lang, malaki naman yung bayad."

Napaawang agad ang aking bibig. "One night stand? Diba Barbie, tinalikuran ko na ang trabaho na yan, isang beses lang nangyari sa akin kay Franzon, ayoko nang bumalik sa kalakaran na iyan."

"Diba kailangan mo ng pera, sayang yung offer. Isang buwan na rin na allowance mo rin iyon."

"Inaamin ko, weakness ko ang pera. Barbie, Nagbabalik loob na ako sa kabutihan. Temptation stay away from me."

"Isang gabi lang naman, regular customer kasi natin dito, ayoko madissapoint sila."

Ang hirap talaga ang maghanap buhay. Sa totoo lang ay nahihiya na ako kay Barbie dahil minsan lang sa akin ito humingi ng pabor.

"Silang tatlo, ako lang ang mag-isa sa masahe? foursome ba ito?"

Masahe ang term namin sa pagbibigay aliw namin sa customer dito sa club para hindi masyadong masagwa pakinggan. Sa club na ito ay open minded na ako sa ganitong kalakaran.

Be My BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon