Isang tawag ang natanggap ko mula sa adviser ko sa College na kailangan nila ako makausap tungkol sa issue na nagkalat ngayon sa campus. Nang gabi ring iyon ay tumawag din si Isagani sa akin na kailangan na naming humarap sa Student Affairs para sabay na kaming magpaliwanag. Kaya kinabukasan ay bumalik ako sa ECU at pumunta agad sa office.Kaharap si Chancellor at mga member ng student affairs. Hindi ako mapalagay dahil pinanungunahan ako ng lungkot, kaba at takot. Si Isagani ay kalmadong nakaupo na katabi ko sa paghaharap na ito.
"Kamusta kana Kristina?" tanong ni Ma'am Olivia na head ng student affair.
"Okay lang po ako, Ma'am." maagap kong sagot.
"Pwede bang malaman ang edad mo, Hija?"
"Ahmp... matanda na po ako... Actually twenty seven na po ang edad ko."
"Twenty seven?" tila napaisip siya. "Huminto kaba sa pag-aaral, Kristina?"
Napatango ako. "Opo Ma'am... nagkaproblema kasi ako sap era noon kaya... ngayon lang ulit ako nakabalik para tapusin ang nakuha kong kurso."
Napatango-tango sila at nagkatingin sa isa't-isa na nag-imbestiga sa amin na taga-student affair. Sa kamay nila ay hawak ang picture na ugat ng lahat ng scandalo. Ilang sandali ay napatingin sila kay Isagani.
"Ikaw Sir Isagani... Ilang taon kana?" tanong sa kanya.
Napasulyap pa si Isagani sa akin bago ito sumagot. "Magkasing edad lang po kami ni Kristina, Ma'am... twenty seven na rin ang edad ko katulad niya."
Bahagyang napadungo ako. Habang kinakausap kaming dalawa ay sobrang nahihiya ako sa sarili ko. Kung may problema man kaming kinakaharap ngayon. Ako ang dahilan nito dahil sa pang-aakit ko kay Isagani.
"Napag-alaman naming magkapitbahay daw kayo sa Santiago, Totoo ba ito Sir Isagani?"
"Opo ma'am... Magkapitbahay kaming dalawa ni Kristina. Kahit noong hindi pa ako nagtra-trabaho dito."
Napalingon sa akin si Ma'am Olivia. "Ikaw Kristina, Bakit nandoon ka sa condo ni Sir Isagani?"
Huminga ako nang malalim bago nagsalita. "Nandoon po ako para makipag-usap sa kanya ng gabing iyon."
"Para saan?" seryosong tanong nito.
Sasagutin ko na sana ang tanong ni Ma'am Olivia para sabihin ang totoo na ako ang may kasalan nang lahat ng ito pero natigil ako sa pag-sagot dahil maagap na hinawakan ni Isagani ang kamay ko.
"Ako po ang nag-utos kay Kristina na pumunta sa condo. Pinapunta ko siya ng gabing iyon," sagot ni Isagani.
Nagulat ako sa sagot niya. Mas lalo akong nadismaya dahil nakuhang magsinungaling ni Isagani para tabunan ang kasalanan ko. Kahit na ang totoo ay ako ang kusang pumunta roon.
"Bakit mo siya pinapunta sa condo mo?" strictang tanong ni Ma'am Olivia.
"Dahil gusto ko siyang makita at makausap Ma'am," sabay sulyap ni Isagani sa akin.
"Makita?" napakunot noo si Ma'am Olivia. "Sa dyes oras ng gabi? Umamin kayo, may relasyon ba kayong dalawa?"
Sa tanong ni Ma'am Olivia ay bahagyang nahinto ang paghinga ko. Bumilis ang kaba sa dibdib ko. Sa tanong nila ay halos hindi ko maibuka ang bibig ko para sagutin sila. Napadungo ang ulo ko.
"Opo Ma'am... bago ko pa naging studyante si Kristina. Isang buwan na kaming magkarelasyon." sagot ni Isagani.
Gulat akong napalingon kay Isagani. Hindi ko inasahan na iyon ang isasagot niya. Bakit kailangan niyang magsunungaling para sa akin? Mas lalo akong nalulungkot para sa kanya dahil ramdam kong ginawa niya iyon para lahat isisi siya.
BINABASA MO ANG
Be My Baby
RomanceSi Kristina Seno ay nagbabalik sa pag-aaral matapos ang apat na taon na pagkakahinto nito sa Kolehiyo. Kahit kapos sa pera ay gagawin niya ang lahat para lang matutusan nito ang pag-aaral ng mag-isa. Anong gagawin niya kung magkita ulit sila ng lal...