"Tara girl, balikan natin ang mga kaibigan ko." yaya ni Mellisa.
Dahil iniwan na ako ni Isagani ay sumama na ako kay Mellisa sa grupo nila. Pagdating namin sa table nila ay may nakita na akong nag-uusap na roon na dalawang babae .
Sabay silang napalingon sa akin at natigil sa pag-uusap. Napataas agad ang kilay ni Margarette. Lumaki naman ang ngiti si Denise.
"Anong ginagawa mo dito Kristina?" mataray na tanong ni Margarette.
"Ikaw anong ginagawa mo rin dito?" pabalik na tanong ko rin.
Tinabihan ko siya sa upuan. Nang magkaharap na kami ay napatingin siya sa akin from head to foot.
"Wag ka ngang tumabi sa akin, naiinis ako sa ka-sexyhan mo." bahagyang napakunot noo si Margarette. Mataray ang tingin niya ngunit nakangiti ito.
Natawa si Denise. "Mas attractive lang tignan si Kristina dahil sa pula niyang damit, pero mas sexy ka pa rin naman Margarette."
"Pero mas maganda pa rin ako." pagmamalaki kong wika sabay taas ng kilay ko na automatikong napangiti.
"Ano to payabangan kong sino ang maganda?!" sabi ni Mellisa na natumabi kay Denise.
"Self support ako 'eh. Yan ang turo sa akin ng nanay ko." napangisi ako.
Biglang sumulpot si Raine sa likuran ni Margarette at humawak sa balikat nito. "Ikaw na maganda Kristina, ibibigay ko na sa'yo na ang korona ko." nakangiting sabi nito.
"Bet ko yan! Raine." sang-ayon ko.
Sabay kaming natawa at napailing-iling. Since minsan lang kaming magkita-kita ay puro lang kami payabangan kong sino ang maganda. Kung tutuosin ay ganito na ang normal na batian namin.
Tinabihan na rin ako ni Raine sa pag-upo. Tuluyan ko nang kasama dito sa lamesa silang apat.
"Bati na kayo ni Marco, Raine?" tanong ko.
Kanina ay galit na galit siya kay Marco ngayon ay maliwalas na ang mukha niya.
"Oo naman, sanay na ako sa ugali ni Marco. Mahilig talaga siyang asarin ako." sabay inom niya ng tubig.
"Maine love team nga sila eh." natatawang ni Denise sabay kain ng ubas.
Naninawala na ako sa kasabihang the more you hate, the more you love. Hindi naman sila magiging matagal na magkarelasyon kung hindi nila mahal ang isat-isa.
"Kamusta kana ba Kristina?" mabait na tanong ni Margarette sabay inom ng redwine.
"Ito pino-problema ko ang sobrang kagangahan ko." napabuntong hininga kong wika.
"Wow?" hindi makaniwala niyang tono. "Ilan ba ang boyfriend mo ngayon? Mamigay ka naman ng isa."
"Isa?" bahagya akong napakunot-noo. "Nasaan na ba ang boyfriend mong si Luigi?" tanong ko.
Matagal-tagal na rin kaming hindi nag-uusap ni Luigi at last time na nagkausap kami ng lalaking iyon ay ayos pa ang relasyon nilang dalawa ni Margarette.
"We broke up last week, lagi niyang pinapasama ang loob ko." malungkot na tono nito.
"Ano bang pinag-awayan ninyo?" muling tanong ko.
Isang bote ng red wine ang nakita ko sa harap ni Margarette. Since may bakanteng wine glass malapit doon at nagsalin na ako para sa sarili ko.
Padungo ang ulo ni Margarette. Bumukas sa mukha niya ang lungkot at napabuntong hininga. Parang ayaw niyang sagotin ang tanong.
"Naku! Wag kang maniwala dyan kay Margarette, Kristina." singit ni Mellisa.
BINABASA MO ANG
Be My Baby
RomanceSi Kristina Seno ay nagbabalik sa pag-aaral matapos ang apat na taon na pagkakahinto nito sa Kolehiyo. Kahit kapos sa pera ay gagawin niya ang lahat para lang matutusan nito ang pag-aaral ng mag-isa. Anong gagawin niya kung magkita ulit sila ng lal...