Chapter 29- Block Him

16 4 0
                                    

Nasa tabi ko si Liam na nakatayo nang makaharap namin ang mag-asawa. Namugay ang kanyang mga mata. Mabilis niyang inangat kamay nito at tinuro si Ronnie.

"Teka! Diba ikaw yung manlili-" bago pa makapagsalita si Liam ay mabilis na gumalaw ang kamay ko at tinabunan ang bibig niya.

"Tumahimik ka muna..." bulong ko.

Napakurap siya ng isang beses at hindi nagtagal ay hindi na rin siya gumalaw. Nang kumalma na si Liam ay tinanggal ko rin ang kamay ko sa bibig niya. Nagtanggal siya ng bara sa lalamunan at nag-astang na parang walang nangyari.

"May problema ba Liam?" takang tanong ni Hannah na palipat-lipat ang paningin sa aming dalawa na tila nagsusupetsa.

Bigla akong nakaramdam nang takot na baka malaman ni Hannah ang tungkol sa amin ng asawa niyang si Ronnie.

"Wala! Ahh, nabaliw lang ako sandali," mabilis na sagot ni Liam.

"Gutom lang si Liam, Hannah," sagot ko rin para malimutan matabunan ang naging kakaibang pagkilos ni Liam kanina.

Natigilan si Hannah sandali pero hindi nagtaggal ay naging banayad din ekspresyon ng mukha nito. Si Isagani ay nanatiling tahimik sa mga oras na ito.

"Ahh... sensya na kung nagugutom kana, papunta na pala si yaya para ipaghanda kayo," sabi ni Hannah.

Lumuwang ang paghinga naming dalawa ni Liam. Mabuti ay hindi na siya naghinala pa.

"Hi, Sir. Happy birthday pala sa anak ninyo," bati ni Hubert kay Ronnie.

"Thank you," matipid na ngumiti si Ronnie.

Habang pinipilit kong maging kalmado sa sitwasyong ito. Si Ronnie ay unti-unti rin hindi maipinta ang mukha habang nakatingin sa amin nila Isagani at Liam na nakakakilala sa kanya. Hindi ko inaasahan na malalaman ko ang tunay na katauhan niya ngayon mismo sa kaarawan ng anak niya. Napaipit ako ng labi upang pigilan na magsalita pa tungkol sa kanya.

"Wow... ang gwapo naman ng asawa mo Hannah!" may halong kiliting tinig ni Hubert.

Mahinhin na ngumiti si Hannah. "Guys, asawa ko si Ronnie, isang architect," pakilala niya.

"Hi Sir," bati namin lahat sa kanya.

"Hello," bumati rin ito sa amin pero agad din itong lumingon kay Hannah. "Han, pasok muna ako sa loob. Kakausapin ko lang yung mga bisita na katrabaho ko."

"Okay, Ron." payag ni Hannah.


Napasulyap pa si Ronnie sa akin. Karga ang anak niyang si John Denver ay hindi nagtagal ay umalis din ito sa harap namin. Bakas sa mukha niya ang gulat na makita kami at sa pag-alis niya. Halatang hindi siya komportable na makita kami dito. Kaya pala ay hindi siya nakabisita sa club kagabi ay dahil abala siya sa birthday ng anak nila ni Hannah.

"Umupo muna kayo, pasensya na. Umalis agad husband ko, may bisita rin kasi siya," malumanay na sabi ni Hannah.

"Naiintindihan namin Han," sagot ni Isagani.

"Oh, nandyan na siguro yung pagkain," galak na sabi ni Hubert.

Isang babaeng nakasuot ng maid dress ang lumapit sa lamesa namin at pinaghanda kami ng pagkain hanggang mapuno na ang lamesa. Kaming lahat ay naupo sa harap ng lamesa kasama si Hannah. Sabay na kaming lahat na kumain.

Habang nagkwe-kwentuhan at kumakain ay napansin kong hindi mawala ang paningin sa akin ni Isagani na kagabi ko. Nang naka-inom ako ng lemon juice ay lumingon ako sa kanya.

"May dumi ba ako sa mukha?" mahinang tanong ko.

"Sana ay ayos ka lang, Kristina."

"Kaya pa naman."

Be My BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon