Isang malakas na tilian ng mga babae ang narinig ko dito sa loob ng dorm na nagpagising sa nahihimbing kong pagkakatulog. Ano'ng ingay iyon? Mula sa pagkakatalukbong ko sa kumot ay bumangon na ako. Napatingin ako sa relo ko. Alas otso na pala ng umaga. Hindi na masama kong nagising ako sa ingay nila dahil 9 o'clock ay may pasok ako.Napalingon ako kung saan galing ang ingay kanina. Nakita ko ang mga roomates ko na sina Rona, Loren at Marian nakatayo malapit sa locker na nagbubuklat ng magazine na pawang nakangiti habang nagbabasa ang mga ito. Nakabihis na silang tatlo. Ilang sandali ay umalis na ako sa kama.
"Ano'ng pinagkakaguluhan ninyo dyan?" tanong ko.
Magulo pa ang buhok at nakasuot ng red dress na pantulog ko nang lumapit ako sa kanila. Sabay silang napalingon sa akin.
"Tinitignan namin si Sir Isagani. " nakangiting sagot ni Rona.
"Isagani?" napaisip ako.
Kinuha ko ang hawak nilang magazine. Pagbuklat ko agad ang pahina nito. Nakita ko ang larawan ni Isagani na walang damit pang-itaas kung saan kitang-kita ang 6 pack abs niya. Tanging ang suot niya lang ay itim na mamahaling pantalon.
Napataas ng isang kilay ko. Shit! Ang sexy naman ng baby boy ko. Totoo nga ang sinabi niya sa akin noon na isa siyang model. Hindi na ako magtataka kung napatili ang mga roomates ko sa kanya.
"Ate Tina, iwan na muna namin sa'yo iyang brochure. May pasok pa kasi kami," paalam ni Rona.
"Sige, sige... Umalis na kayo baka malate pa kayo." sabi ko.
"Bye!" paalam nilang tatlo sa akin na agad din silang umalis.
Hanggang ako na lang mag-isa ang naiwan dito sa loob. Umupo muna ako sa kama at nagbuklat pa ako ng mga ilang pahina. Meron din siyang larawan si Isagani na nakasuot ng mamahalin na mga men's t-shirt. Napagtanto kong model si Isagani ng clothing brand.
Nang nakapunta na ako sa men's underwear section ng brochure. Laking gulat ko na makita na nakaboxer shorts lang si Isagani. Napatabon ako ng kamay sa bibig lalo nang makita ko na maumbok ang pinagmamalaki niya kahit may suot siyang pang-ibaba.
Oh my goodness! Siguro 'Dak' itong si Isagani. Siguradong magiging maligaya ang mapapangasawa ni Isagani. Feeling ko mas malaki pa sa kanya kaysa kay Franzon. Sinarado ko na ang brochure at tinigilan na ang pagbabasa. Baka ano pang masamang maisip ko sa mga sexy picture ni Isagani.
Kumuha na ako ng baso para uminom ng tubig. Sa pag-inom ko ng tubig ay tumunog ang phone ko sa kama. Nang naka-inom na ako ay nilapag ko na ang baso. Kinuha ko ang phone sa kama at agad binasa ang isang chat.
Him : "Love, good morning." with heart reaction.
Ang aga naman akong landiin ni Ronnie. Hindi pa nga siya nanliligaw sa akin pero tinatawag na niya ako sa dati naming endearment. Sinabayan ko ang kalandian niya.
Me : "Good morning din Love. Ano punta ka sa club mamaya?" with smile reaction.
Him : "Oo Love, basta ikaw ang ka-table ko. Okay lang ba sa'yo?"
Me : "Sure. Magpaalam ka lang ulit kay Barbie."
Him : "Sige Love, see you soon. I love you."
Me : "Thank you," last reply ko.
Nag-offline na ako. Ayokong magreply sa huling sinabi niya para pabitin. Pa-heart to get muna ako. Kilala ko si Ronnie noong highschool kami ay magaling din siyang manligaw. Mas mabuting kilalanin namin ulit ang isa't-isa lalo na matagal na kaming hindi nagkita. Ilang saglit ay nagbihis na ako para pumasok sa school.
BINABASA MO ANG
Be My Baby
RomanceSi Kristina Seno ay nagbabalik sa pag-aaral matapos ang apat na taon na pagkakahinto nito sa Kolehiyo. Kahit kapos sa pera ay gagawin niya ang lahat para lang matutusan nito ang pag-aaral ng mag-isa. Anong gagawin niya kung magkita ulit sila ng lal...