Nakaupo ako sa armchair habang hinihintay ang pagbabalik ni Isagani galing faculty office para kunin ang mga resulta ng exam namin sa midterm. Biglang kumalabit sa balikat ko Hannah sa akin.
“Nasagutan mo ba lahat ng question sa exam?” tanong niya.
“Oo, pero syempre hindi ako sure kong tama ba ang sagot ko,” pilit na ngiti ko.
Nag-aral naman ako sa exam ni Isagani pero hindi pa rin maiwasan na hindi lahat ng inaral ko ay maaalala ko. Gayumpaman, sa pagkakataong ito ay malakas ang confident akong makakapasa ako.
“Mabuti kapa nasagutan mo… ako parang alanganin,” malungkot na tinig ni Hannah.
“Ano kaba! Sa talino, sure akong pasado ka.”
“Sana nga, Kristina.” she said hopefully.
Ilang sandali ay dumating na si Isagani. “Kindly distribute these please.”
Kinuha ni Huberta ang mga test paper na resulta ng exam kay Sir Isagani. Ibinigay agad ito ni Hubert sa mga classmates namin.
Nang matanggap nila ang mga resulta ay iba-iba ang naging reaksyon ng mukha ng mga classmates ko. Yung iba ay masaya, yung iba ay malungkot. Marahil ay may hindi pa rin na hindi nakapasa sa exam.
Lumapit si Hubert sa amin na seryoso ang mukha. Napalunok ako dahil baka hindi ako nakapasa sa exam.
“Miss K…” tawag niya.
“Ano? Nakapasa ba ako?” kinakabahan na tanong ko.
Pormal niyang inabot sa akin ang resulta ng exam ko. Nang matanggap ko iyon ay agad ko itong binasa. Ang nabasa kong score ko ay 1.75 na ibig sabihin ay pasado ako.
“Congratulation, Miss K. Sa wakas nakapasa ka rin sa Midterm,” bati ni Hubert.
“Thank you,” sabi ko.
Parehong napangiti silang dalawa ni Hannah dahil balitang nakapasa din ako sa Midterm. Atleast ay nakabawi na ako sa pagkakataong ito. Binigay na rin ni Hubert ang resulta kay Hannah. Pasado rin siya katulad namin ni Hubert. Nakahinga rin ako nang maluwang.
“Congratulation sa mga pasado this Midterm. Sana ay ipapatuloy ninyo iyan sa hanggang finals. Class, you’re dismissed,” sabi ni Isagani.
Nagtayuan na kaming lahat at ligpit ng gamit. Ngayon nakapasa na ako sa midterm. Dapat ay pasado pa rin ako sa final para tuloy-tuloy na ito hanggang maka-graduate na ako.
SA HARAP ng ATM machine dito malapit sa guard house ay nag-balance inquire muna ako sa bank account ko kung talagang nahulog na ni Isagani ang allowance ko ngayong buwan. Nang maipasok ko ang ATM card ko ay ilang sandali nang paghihintay ay nakita ko rin ang balance ko na umabot ng 15,000 pesos.
Bahagyang napaawang ang bibig ko. Masyadong malaki ang binigay ni Isagani sa akin na allowance. Nag-aalala tuloy ako kung meron pa bang natitira sa sweldo niya. Nakokonsensya tuloy ako kung tatanggapin ko ang perang ito.
Huminga ako nang malalim at napapikit. Iisipin ko na lang na utang ito. Balang araw ay babayaran ko si Isagani kapag nagkaroon ako ng trabaho matapos kong mag-graduate. Kakapalan ko na ang mukha ko. Siya naman ang may gusto na tulungan ako.
Kinuha ko ang 10,000 pesos para may pera na ako pag-uwi ng Santiago. Nang makuha ko na ang pera ay kinuha ko na rin pati ang ATM card ko. Ilang sandali ay umalis na sa harap ng ATM machine.
Naglakad na ako papunta sa gilid ng highway at pumara na agad ako ng bus pauwi sa amin. Nang nakaupo na ako ay sa loob ng bus ay nagtext na ako kay Isagani.

BINABASA MO ANG
Be My Baby
Roman d'amourSi Kristina Seno ay nagbabalik sa pag-aaral matapos ang apat na taon na pagkakahinto nito sa Kolehiyo. Kahit kapos sa pera ay gagawin niya ang lahat para lang matutusan nito ang pag-aaral ng mag-isa. Anong gagawin niya kung magkita ulit sila ng lal...