Maayos akong naka-uwe sa Santiago dahil sa tulong na rin ng Mommy ni Franzon. Hinatid nila ako mismo sa tapat ng bahay ko. Ayoko sanang magpahatid sa kanila pero nagpumulit si Madam kaya pumayag na rin ako. Nang nakababa na ako sa itim na sasakyan ay sumilip pa ang Mommy ni Franzon sa windshield na kotse at dumungaw sa akin.
"Maraming salamat sa oras Kristina," sabi niya.
"Walang anuman po, Madam," magalang na tugon ko.
"Kung sakaling magbago ang isip mo, handa kami ng anak ko na tanggapin ka Hija."
Napadungo ako at hindi na muling nagsalita pa. Alam kong nadismaya ko siya sa naging desisyon ko. Marahil ay akala nila ako pa yung Kristina na pera lang ang habol kay Franzon.
Inaamin kong naging ganoon ako sa anak niya. Pera lang ang naging habol ko kay Franzon nung umpisa dahil wala akong choice. Kailangan ko ng pera. Ngunit sa kabila noon ay alam kong napasaya ko rin ang anak niya at minahal ko rin ito.
"Salamat po sa lahat." Ito na marahil ang huling masasabi ko bago siya umalis.
Matipid na ngumiti si Madam at matagal na napatingin sa akin mukha. Hindi nagtaggal unti-unti nang sinara ang wind shield. Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko.
Nang tuluyan nang umaandar ang sasakyan ni Madam at mawala ito sa harapan ko. Tsaka pa ako nakahinga ng maluwang. Siguro ay hindi na nila ako kukulitin. Pumasok na ako sa loob para makapagpahinga.
NANG gabi ring iyon ay niyaya ako ni Isagani na kumain sa labas. Dinala niya ako sa isang mamahaling sikat buffet kung saan nalula ako sa madaming pagkain.
"Hanggang ngayon Isagani ay hindi ka nagbabago. Sa daming restaurant din sa Cavite ay dito mo pa ako dinala." sabi ko habang namimili na ako ng pagkain. Dito kami namimili sa Japanese dish kung saan kumuha ako ng shrimp.
"Bakit ayaw mo dito?" tanong niya.
"Hindi naman... pero gusto mo talaga akong patabain."
Mahina siyang tumawa. "Ayoko lang kasing magutom ang girlfriend ko sa date."
"Gusto mo talaga akong patabain."
"Kahit na tumaba ka Kristina, ikaw pa rin ang babaeng pinaka sexy sa paningin ko." sinsero niyang sabi.
Bigla namang uminit ang pisngi ko. Kahit na abala kami sa pamimili sa kakainin na dinner ay bumanat pa si Isagani sa akin. Kung wala kami ngayon dito sa loob sa restaurant baka siya pa ang una kong kaninin. Mahinhin akong ngumiti.
Kumuha siya ng Sushi gamit ang chops sticks at nilagay niya sa platong hawak ko. Pinabayaan kong gawin iyon dahil siguro ay gusto niyang kanin ko iyon. Gusto niya talaga akong mabusog sa date na ito.
Nang naka-upo na kami ay sabay na kaming kumain.
"Kamusta na ba ang resignation mo?" tanong ko after kung masubo ang sushi na binigay niya kanina.
"Well medyo disappointed sila Dean sa akin, akala nila na magtataggal ako sa university," sagot niya.
"Pero na approved ba nila ang resignation mo?"
Napatango siya. "Yes, Actually they were happy and supportive na malaman nilang mag-aaral ako sa Law school."
"I'm happy for you Isagani. Nandito rin ako para supportahan kita baby." nakangiting sabi ko.
Ngumiti din siya sa akin. Gamit ang chops stick ay nilagay niya ang Sushi na meron siya sa mismong plato ko.
"Thanks baby." Sabi niya.
Nawala ang ngiti ko. Akala ko tapos na akong kumain pero dinagdagan pa talaga niya. Kapag kasama ko ang lalaking ito ay masisira ang diet ko. Simula ngayon ay sasanayin ko na ang ugali niyang ito.

BINABASA MO ANG
Be My Baby
RomanceSi Kristina Seno ay nagbabalik sa pag-aaral matapos ang apat na taon na pagkakahinto nito sa Kolehiyo. Kahit kapos sa pera ay gagawin niya ang lahat para lang matutusan nito ang pag-aaral ng mag-isa. Anong gagawin niya kung magkita ulit sila ng lal...